Kabanata 62
Awards
Kinaumagahan, naging madali saking magpalusot dahil salung-salo ako ni Coreen kagabi. Tulog na tulog din si Noah kaya naman walang nag interrogate sakin.
Nagpatuloy si Wade sa pagrerecord ng iilan pang kanta. Isa lang yung nagagawa nila sa halos limang araw. Matagal kasi ang rehearsal at may revisions pang ginagawa. Bawal naman siyang sagarin kasi baka mapaos.
Hiningal ako sa kakatakbo papunta ng office ni Mr. Manzano. Nandoon kasi ang buong banda ni Wade at pinatawag niya daw ako diumano para mag style sa kanya. Hindi ko alam, ah? Ano pa bang kailangan kong i-style sa kanya eh ako naman yung gumawa ng suit niya at mukhang alam niya naman kung paano dalhin ang sarili niya. I doubt if he really needs me right now or he's just playing around.
"Andito na si Reina!" Sabi ni Adam nang pinagbuksan ako ng pinto.
"Thanks!" Pinaypayan ko ang sarili ko at pinunasan ang pawis.
Ngumisi si Zac at bigla akong niyakap. Nabigla ako sa ginawa niya.
"ZAC!" Sigaw ni Wade.
Tumatawa na si Zac at kinalas ang pagkakayakap sakin. Ang gwapo-gwapo nI Wade na nakasimangot kay Zac. Handa na siyang suntukin si Zac nang nilapitan siya ni Adam.
"Dude, stop it! Dalawang oras na lang awards na. Hindi pwedeng magkapasa ang isa sa inyo." Awat ni Adam kay Wade.
"Asus! Ito talaga si Wade. Hindi ba pwedeng friendly hug? Tsss..." Tumawa si Adam at umupo si Wade sa inuupuan niya kanina nang dumating ako.
Napakamot ako sa ulo.
"S-Sorry, I'm late. Hindi kasi ako nag expect na magkakaroon ako ng duty ngayon." Sabi ko.
Unti-unti akong lumapit sa nakasimangot na si Wade. Ngumingiwi siya at kahit ganun ay sumasalida parin ang kanyang dimple. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayong soot niya ang suit na ginawa ko.
"Reina, thanks sa suit!" Sabi ni Adam sabay tapik sa balikat ko.
"Walang anuman." Sagot ko at ngumiti sa kanya.
Kahit malawak ang opisina ni Mr. Manzano (hindi ko alam kung opisina kasi mukha ng bahay), napunan parin ito ng buong banda. Hindi lang naman pala sila yung minamanage ni Mr. Manzano, nakita ko rin ang isang teen idol na magaling ding kumanta sa isang table na umuupo at nakikinig sa kanyang iPod. Marami din akong nakitang pamilyar na mga mukha (pasensya na, hindi uso ang TV sa bahay).
"Reina, can you fix my hair please." Sabi ni Wade sabay turo sa magulo niyang buhok.
"O-Okay..."
Kinuha ko yung hair product na paborito niya at nilagay sa kamay ko bago hinaplos sa buhok niya.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...