Kabanata 63
Who's Your Boyfriend?
"Reina, nitong mga nakaraang araw, hindi ka na umuuwi masyado sa bahay niyo, ah, tuwing gabi." Palihim na sinabi ni Liam sakin habang pinapanood akong nagmamadaling inilalagay lahat ng bagong gawa ko sa portfolio.
"Huh? Bakit mo naman nasabi iyon?" Sabi ko ng wala sa sarili.
Hindi siya sumagot.
Dinampot ko lahat ng gamit ko at kinuha na rin yung bag ko.
"Liam, pupunta lang ako sa office ng Fashion Week, ngayon ko kasi titignan yung mga designs ko. Gawa na kasi." Sabi ko.
Tumango siya, "Ipagda-drive na kita."
"Wa'g na, no. Kaya ko naman. Tsaka, wala ba kayong recording or something?"
Naglalakad na ako ngayon papuntang sasakyan.
"Reina..." Malambing niyang hinila ang bag ko. "Come on... Pagbigyan mo naman ako. I've been really busy at ito lang ang paraan ko para punuan yung mga panahong hindi tayo nagkakasama dahil sa pagiging busy ko."
Natigilan ako sa harap ng sasakyan ko.
"Liam..." Bumuntong-hininga ako. "You don't need to do this. Naiintindihan ko naman iyon. Hindi naman talaga kailangang nandyan ka parati. Look at me and Coreen, ewan ko na naman kung ano ng nangyayari, pero we're still friends."
Nag iba ang ekspresyon niya. Napayuko siya at napalunok. Agad naman akong naguilty sa sinabi ko. Ginulo niya ang buhok niya at bumaling ulit sakin.
Bumunot ulit ako ng malalim na hininga, "Alright, Liam."
Dahan-dahan siyang ngumiti at dumiretso sa sasakyan niya. Sa kahabaan ng drive, wala akong inisip kundi yung pagrereview ng designs. Tinatawagan ko ni Kira para tanungin kung malapit na ba ako kasi mag rerehearse na ang models. Jusko! Bakit ba kasi ako tinanghali sa pag gising.
"Malapit na..." Sagot ko kay Kira.
"Okay... Bilis na!"
Nang nag park na si Liam ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, dumiretso na ako sa labas.
"Liam, pasensya ka na, alam kong gusto mong bumawi today. Pero kasi busy ako."
Tumango siya at kita sa mukha niya ang disappointment.
"Sorry talaga. Babawi ako next time, okay? Nagmamadali talaga ako. Debut ko to sa Fashion Week."
"It's okay, Reina."
"Baka gabihin pa ako dito kaya mauna ka na lang." Sabi ko at agad ng umalis.
Half-running na ako papuntang office. Hindi ko na namamalayan kung sino ang nakakasalubong ko.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...