Kabanata 18
Niyayanig
Nanliit ang mga mata ni Coreen at tinignan ako head-to-foot. Naconscious ako kaya nilagay ko ang bangs ko sa likod ng tainga at yumuko.
"Pang ilang session mo na sa derma? Sinunod mo ba talaga lahat ng sinabi dun?"
"B-Bakit? Wala bang pagbabago?" Tanong ko.
"Are you crazy? Bibigyan ko ng jacket, trophy at CD yung dermatologist mo! My God!"
"Ah..." Nahiya naman ako sa sinabi niya. "Naisipan ko rin kasing mag ayos sa damit-"
"After 19 years... ngayon mo lang naisipang mag ayos? As in?"
Mas lalo pang lumiit ang mga mata niya at tinitigan ang mga labi ko.
"Lipstick?" Tinulak ko siya sa kahihiyan.
"Hindi. Light lang naman."
Nag evil-smile siya. "Ibang klase talaga ang nagagawa ng pagiging in love, ano? Naaalala ko pa noong nainlove ako kay Noah. Grade 7 pa yata tayo nun. Kaya maaga akong nahinog. Jusko dahil sa kapatid mong hanggang ngayon ay di parin ako pinapansin."
"Kilala mo naman yun. Wala sa utak nun ang pag gi-girlfriend."
Hindi nagpakita ng ekspresyon si Coreen sakin. Inexamin niya na lang ang mukha ko na para bang ang laki ng pinagbago.
"Grabe, Reina." Kinulong niya ang pisngi ko sa kanyang mga palad. "Pimpless! Halos madulas pati lamok dito. Ang kintab at ang smooth."
Tinulak ko siya palayo. Masyado na akong pinupuri nito. Nakakaconscious tuloy.
"So, siguro naman sa attire mong yan talagang sasama ka mamaya sa party?" Tanong ni Coreen.
Ang alam ko kasi, magkakaroon ng victory party sina Noah dahil mas maaga pa ang pagkakaroon nila ng album. Kung noon ay next year, ang sabi ng record label sa kanila ay gagawing late this year. Ibig sabihin, malapit na silang sumikat. Malapit na silang ipatugtog sa MTV o sa MYX. Malapit na silang magkaroon ng mga music video.
"Hindi ako sigurado, Coreen. Uuwi ako ng bahay."
"Diba ilang araw ng nasa Camino Real ang parents mo? Tsaka si Noah at Rozen ay parehong pupunta."
"Kaya nga... Pagbabawalan ako ni Rozen-"
"Hindi ka na niya pagbabawalan. I told him to stay away from your life, Reina."
"WHAT?"
Nagkibit-balikat siya, "Masyado siyang pakealamero. I know he's over protective. Mahal ka lang niya at ayaw niyang mapahamak ka. Pero come on, matalino ka at alam mo kung ano ang ginagawa mo. Wade isn't the bad type, either. Hindi nga siya mayaman, pero anong problema dun diba? Hindi pa naman kayo magpapakasal?"
Kumabog ang dibdib ko nang narinig ko ang sinabi mo Coreen. Magpapakasal talaga? Naiisip ko tuloy na nag luluto ako sa bahay habang nasa kama pa si Wade. At pagkagising niya ay yayakapin niya ako galing sa likuran habang topless siya. SHT!
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...