Kabanata 4

1.6M 39.3K 9.5K
                                    

Kabanata 4

Huli Ka

Hindi matanggal si Wade sa utak ko. Hindi dahil may nararamdaman ako sa kanya, kundi dahil iniisip ko kung ano ang atraso ko sa kanya.

Wala akong mahugot sa kakarampot kong utak. Walang dahilan para kamunhian niya ako ng ganun. Hindi ko naman siya na-offend at lalong wala kaming past.

Napabuntong-hininga ako at binuksan ang pintuan ng sasakyan namin.

Alas tres pa lang ngayon pero naibigay ko na kay Mr. Dimaano ang report na ipinapagawa niya sakin. Dahil wala naman talaga akong ginagawang masama kanina, wala akong masabi sa report na iyon. PInagalitan niya ako dahil hindi ko inaming namboboso ako kay Wade. Umiling ako at kinuha ang cellphone ko para itext si Coreen.

"Reina, sabi ng kuya Dashiel mo, siya na daw susundo sayo mamaya kasi may inutos siya sakin." Sabi ni manong.

"Okay, po." Sagot ko.

Marunong na akong magmaneho ng sasakyan, yun nga lang, paranoid ang parents ko pagdating sakin. Lalo na si daddy. Lalo na pag busy sila. Ayaw nila ng mag-isa akong nagmamaneho. It's either yung driver o si Dashiel ang susundo sakin. Parehong may sasakyan si Noah at Rozen. Pero may iba-iba silang buhay. Si Rozen ay busy sa mga chics, si Noah ay busy sa banda.

"Kung busy si kuya, pwede naman akong mag commute."

Hindi umimik ang driver sa sinabi ko.

"Manong, padrive po hanggang Starbucks. Inaantok po kasi ako, tapos may pasok pa ako mamayang 5pm." Kakasabi ko lang nito sa driver nang nakita kong lumabas ng school si Wade.

"Okay." Marahang pinaandar ni manong ang sasakyan.

Ako naman ay nakatitig kay Wade na naglalakad sa labas ng school. Konting galaw niya lang, sumisilip agad ang malalim niyang dimples sa kaliwang pisngi. Nakalagay ang magkabilang kamay niya sa bulsa.

"M-Manong, pwedeng pakisundan na lang muna yung lalaking yun. Pero yung di nahahalata, ah?" Hindi na ako nag-isip sa sinabi ko at itinuro na si Wade sa driver namin.

"O, sige. Sino ba iyan? Classmate mo?"

"Di po, new vocalist po nina Noah."

Tumango si manong at sinunod ang gusto ko.

Tumawid si Wade sa pedestrian lane. Niliko ni manong ang sasakyan para maabutan namin si Wade.

Hindi lang siya yung tinitignan kong mabuti, maging ang mga tao sa paligid ay pinagmamasdan ko. Kitang-kita sa mga tao, lalo na sa mga babae, ang pagkamangha nila sa pisikal na kaanyuan ni Wade. Hindi niya na kailangang ngumiti at magpapansin. Simpleng hakbang niya lang at paglingun-lingon sa kalsada ay nakakaagaw na siya ng pansin. Simple lang siya manamit, jeans lang atsaka t-shirt pero daig pa niya ang mga artista sa atensyong nakukuha niya sa mga tao.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon