Kabanata 53
Kakapa
"Saan ba yung after party?" Tanong ni Liam kay Wade.
Bumaling si Wade sa kanya gamit ang galit na mukha.
"Sa Tribe Lounge. Staff lang ang pwedeng pumunta." Kumuyom ang panga ni Wade.
Tumango si Liam at tumingin sakin.
"Kung ganun, kunin kita? Anong oras kayong matatapos?" Tanong ni Liam sakin.
Nagkibit-balikat ako.
"Buti pa, iuwi mo na lang yung sasakyan niya sa bahay nila, Liam. Ako na ang maghahatid sa kanya."
Kumunot ang noo ni Liam sa plano ni Wade. Kinakalabit na si Wade ni Austin para makapag picture ulit sila. Kanina pa kasi nag hihintay yung media. Walang kaalam-alam yung mga tao ditong may pinag uusapan kami dito.
"Wade." Tawag ni Austin kay Wade.
"Saglit lang." Naiiritang sagot ni Wade.
"Uhm... Sige na, Wade. Ako na ang bahala dito." Sabi ko sabay baling kay Liam.
Sinundan kami ng tingin ni Wade. Naiilang ako sa mga titig niyang galit habang hinihila ko si Liam palabas ng dressing room.
"Pwede ka namang di sumali, diba, Reina?" Sabi ni Liam.
"Pero kasi sayang. First time kong maka bonding yung staff nila as, uh, Wade's designer. Kaya mas ayos sana kung-"
"You don't need to go there. Gagabihin ka. Magagalit ang parents mo sayo."
"I'm not a child anymore, Liam. Kaya ko ang sarili ko."
For the first time, mejo nabagabag ako sa pagiging worried ni Liam sakin.
"Yes, of course, Reina. Pero anong gagawin mo dun? Iinom? And what do you think about Zac? He looks like he fvcks everything that moves. You think okay lang pag nalasing kang kasama siya?"
"Liam, n-nandoon naman si Wade." Nag alinlangan pa ako sa sinabi ko.
Umiling siya at huminga ng malalim, "Alright. Just text me, okay? Sabihin mo sakin anong ginagawa mo. At siguraduhin lang ni Wade na iuuwi ka niya sa inyo." Humalukipkip siya.
"Oo na." Sabi ko at umirap sa kanya.
Daig pa nito ang mga kuya ko kung makabakod, eh.
"Okay, give me your keys. Kay Dashiel ko ihahatid yung sasakyan mo para malapit lang dito. Babalikan ko pa yung akin, eh."
Tumango ako at niyakap si Liam.
Ang bait talaga ng isang ito. Minsan nakakabanas lang sa concern. Pero over all, alam ko namang mahal niya talaga ako kaya concerned siya sakin.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...