Kabanata 68

1.5M 36K 9.7K
                                    

Warning: SPG

------------------------------------

Kabanata 68

Mana Sayo, Baguhan

Naging mabilis ang panahon. So far, tahimik naman si Shan. Wala pang mga issue tungkol sa kaniya o sa kay Wade.

"Reina, I'm home..." Pambungad niya sakin pagkagising ko isang araw.

Napaupo ako sa kama ko. Hindi ko pa nga natatanggal ang muta sa mata ko ay nakarating na siya?

"A-Akala ko ba sa isang araw ka pa-"

"Nauna na ako. I just really want to check on you. And I miss you so much!" Malambing niyang sinabi.

"I miss you, too. Pero hindi naman kailangang dumiretso ka na dito. I'm okay-"

"No. Gusto kong nandito ako. At wala ka ng magagawa kasi bumababa na ako ng eroplano. I'm with Mr. Manzano's guards. Hindi alam ng media na nandito na ako kaya walang mag aabang sa condo."

Halos mapatalon ako sa saya. I can't believe it! Talagang nakauwi na si Wade! Pareho na kami ng lupang tinatapakan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Gusto ko ng maligo agad at magbihis. Sana naghintay ako sa condo nila.

"Okay. Pupunta ako." Sabi ko.

Nagmadali akong maligo, kumain at magbihis. Nanginginig yung kamay ko sa pagmamadali.

"Where are you going, Reina?" Tanong ni Noah.

Napatingin ako sa opisina nina mommy at daddy. Naging malamig ang turing nila sakin mula nung natapos ang party. Maging ang mga relatives ko, ganun din ang pakiramdam sa akin. Hindi na rin gaanong nagpupunta si Liam dito. Tinitext ko siya, gusto kong mapanatili yung pagkakaibigan namin pero hindi niya ako sinasagot.

"Work." Simpleng sagot ko kay Noah.

Nanliit ang mga mata niya.

"Oh! Come on, Noah? Hindi ako grounded... I'm old enough for that! Late na ako kaya wa'g mo na akong intrigahin." Sabay lagay ko ng earrings sa magkabilang tainga ko.

Nilubayan niya rin naman ako pero nakasalubong ko naman si Daddy.

"Reina... saan ka pupunta?"

Napalunok ako at nag iwas ng tingin.

"Trabaho po." Sagot ko.

Hindi na sila gaanong umaalis ng bahay simula nung party. Para bang gusto nilang mapalapit sakin nang malaman nila kung ano ang mga gusto ko at bakit ayaw ko kay Liam. Masaya ako kasi nandyan sila, kaya lang, unti-unti ring napalitan ang saya ko ng pagkainis. Bakit ngayon pa? Hindi rin maiaalis sa kanila ang tampo. Nagtatampo parin sila dahil hindi ko sila pinagbigyan sa hiling nilang pakasalan ko si Liam.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon