Kabanata 13
Mas Delikado
Ganun parin ang tratuhan namin ni Wade buong linggo. Iniinis niya parin ako. Lagi siyang natatawa at pumapalpak ako. Pero natatahimik siya tuwing...
"Wade, hindi na ba masakit yung ribs mo?" Tanong ko.
Ngumuso siya, parang nagpipigil ng ngiti. "Hindi na."
Tumango ako, "Mabuti na lang. Nag-aalala talaga ako, eh. Baka mapano ka dahil sakin." I sighed.
Hindi na siya sumagot. Nang sinulyapan ko siya ay nakita kong seryoso ang mukha niya at nakatingin siya sakin. Pero nang namalayan niyang pinagmamasdan ko na siyang mabuti ay agad siyang tumingin sa ibang bagay.
*1 text message*
Agad kong binasa ang nag text na galing kay Coreen.
Coreen:
We need to see each other.
Kumunot ang noo ko. Dahan-dahan akong nagta-type sa cellphone ko. Hindi kasi ako pala text kaya ayan parang stone-age ako kung makapagtext. Mahirap din kasi pag pinipindot mo itong screen. Mahirap kaya o talagang di ako sanay?
"Tapos ka na ba sa project mo kay Mr. Dimaano?" Tanong ni Wade.
Kakatapos lang ng klase namin ni Mr. Dimaano at nagkasabay lang naman kami ni Wade sa paglabas. Kahit na narinig ko yung sinabi ni Wade, hindi ko kayang sagutin ang tanong niya ngayong nag tatype pa ako ng text para kay Coreen.
Ako:
Why? Saan? What time?
Naiirita siyang bumuntong hininga kaya napalingon ako sa kanya.
"Ansabe mo?" Tanong ko at itinago ang cellphone ko.
"Wala!" Masungit niyang sinabi at inunahan na ako sa paglalakad.
Nalaglag ang panga ko sa inasta niya. Seriously, he's hot and cold all the time! Anong problema ng lalaking ito? Mukhang malaki yata problema niya sakin, ah?
Pinagmasdan ko siyang mabuti habang humahakbang mag-isa. Ilang hakbang pa lang niya ay may sumabay ng mga babae. Hindi basta-bastang mga babae, may nakita pa akong isang ex ni Rozen doon at yung sikat na cover girl ng isang magazine. Kung makahatak talaga ng babae ang kagwapuhan niya. Grabe!
Umiling na lang ako at tinalikuran siya. Dumiretso na ako sa susunod na klase ko. Ano naman kayang sasabihin ni Coreen at mukhang importante iyon, ah?
Tatlong sketch ang nagawa ko sa loob ng dalawang oras na klase. Mga gowns pa iyon at napaka madetalye ng design.
"Wow, Reina! Ang galing mo palang mag design!" Bati nung isang kaklase ko.
"Thank you." Hinawi ko ang bangs kong nakawala sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...