Kabanata 54

1.5M 34K 13.4K
                                    

Kabanata 54

Not Yet

Shucks! Hindi ako sigurado kung si Wade ba ang kakapain ko pero sa tono ng boses niya ay nararamdaman kong siya. Tsaka, sa ugali niya, mukhang hindi yata yun papayag na iba ang kakapain ko.

"Okay, Ready? Position!" Sigaw ng Emcee.

Humalakhak si Wade.

"Position." Inulit niya iyon gamit ang malambing na boses.

Naramdaman ko ang unti-unting pag init ng pisngi ko. Rivas, you forever perv! Bakit lahat ng mga linya niya ay may green meaning? Ako ba ang problema dito o sadyang mahalay lang talaga itong si Wade?

"Ang pinaka unang makahanap ng pin ang siyang mananalo! Syempre, may price bawat isa. Champion. First Runner Up. Second and Third!" Sigaw ng emcee.

Panay ang hiyawan at sigawan ng mga audience.

"Ang swerteeee! Shit!" Panghihinayang ng iba.

Hindi ko na nga alam kung anong gusto ko. Kung ako ba yung kakapa o iba na lang? Ayoko namang may ibang kakapa sa kanya pero parang ayaw ko ring nandito ako sa sitwasyong ito.

BAKA ANONG MAKAPA KO!

"Ewan ko. Para sakin yung huling makakuha ng pin siyang talo." Humalakhak ulit si Wade.

Ngayon, kumpirmado ko nang siya nga yung kapartner ko. Ramdam ko na naman ang mainit niyang katawang pahapyaw na umaaligid sakin.

"Nang-aakit ka na naman, Reina." Pabulong niyang sinabi.

Now, I'm really worried. May nakakarinig ba sa mga pinagsasabi niya?

"Pag namumula ka talaga, naakit ako."

"K-Kung ayaw mo akong mamula, then stop making me blush!" Untag ko.

"But I want to make you blush." Bulong niya.

DAMN!

"Okay? Ready! Go!" Sigaw ng emcee.

Nakakabinging sigawan ang sinalubong sakin ng mga staff. Paniguradong kinakapa na ng mga kasama ko ang kanyang partner. Ako naman ay tumunganga lang.

"COME ON, REINA!" Sigaw ng ibang staff.

May tumulak pa sakin dahilan kung bakit napahilig ang buong dibdib ko sa katawan ni Wade.

"Shiz!" Sigaw ko sabay layo sa kanya.

Narinig kong bumuntong hininga si Wade. Ngumisi ako at sinimulan ang pagkapa sa ulo.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon