Kabanata 9
Pwedeng Dalawa
Sinusuklay ni Coreen ang buhok ko. Gusto niyang laging hinahawi ang bangs ko.
"Pahabain mo na ang bangs mo, Reina. Mas lalo kang gaganda kung gagawin mo iyon." Aniya.
Umiling ako, "Still the same, Coreen. Mabuti na ngang meron akong bangs para maitago ko ang pimples ko."
Huminga siya ng malalim at hinarap ako, "Hindi ba talaga kailanman sumagi sa utak mo na maaring nagkakapimples ka dahil sa bangs mo? Tsaka... Magpaderma ka kaya para mawala na yang nirereklamo mong pimples."
Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Coreen. Tama siya. Ngayong masyado akong naiinis sa buhay ng mga tao sa paligid ko, gumawa kasi ako ng plano. Hinding-hindi yun mangyayari kung hindi ako mag-aayos. Kailangan kong i-improve ang sarili ko.
"Sigurado ka ba talaga diyan sa plano mo? Hindi ba iyan magba-back fire?" Tanong ni Coreen nang napag-usapan ulit namin iyon.
"Hmmm. No." Naghanap ako ng mga susootin papuntang mall samantalang, sinusuyod naman ni Coreen ang sketches ko.
"Paano kung mainlove ka kay Wade?" Tanong niya.
"I know he's off limits. He's in love with someone else, Coreen. Kaya pagkatibok pa lang ng puso ko, papatahimikin ko na agad."
Pinagmasdan niyang mabuti ang isa sa mga sketch ko.
"It's not some switch, Reina, na pwede mong i-off kung ayaw mo sa mga nangyayari."
Natigilan ako sa sinabi ni Coreen. "Mainlove man ako sa kanya, alam ko namang hindi magiging kami."
"Bakit?" Napatingin siya sakin.
"Dahil may gusto siya sa iba. I don't think I can steal his heart, Coreen. Kaya niyang maglihim para kay Zoey. Diyan pa lang, alam kong mahirap ng talunin at i-divert ang pagmamahal niya."
Tumango si Coreen.
Kakatapos ko lang magbihis. Ito ang unang pagkakataong naramdaman kong confident ako sa sinusoot ko. Sleeveless ruffled top, shorts atsaka flats. Hindi ako ganito manamit noon dahil nahihiya ako, hindi ko alam kung anong sumapi sakin at nakaya ko ito ngayon.
"Ganyan dapat yung mga damit mo, Reina. Naku! Ayan, kompletong designer ka na!" Tumawa si Coreen.
Nagmadali akong pumunta sa kwarto nina Mommy at Daddy. Hindi ko na pala kailangang pumasok kasi kakalabas lang nilang dalawa. Naka jacket si mommy at daddy. This isn't their usual outfit. Palaging naka suit si daddy at naka dress si mommy.
"Mom, dad, may lakad kayo?" Tanong ko.
Obviously, may dala silang bag.
"Travelling?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...