Kabanata 75

1.8M 39.2K 20.9K
                                    

WARNING: SPG

thanks sa support people... hindi ko to matatapos kung wala kayo. salamat... abangan yung epilogue...

This is the last kb.

---------------------------------------

Kabanata 75

Sobra Sobra

Lumabas si Wade sa studion habang nasa likod niya na ang gitara. My rockstar in character.. Nakakatuwa siyang tignan. Kaya lang sumimangot siya nang nakita ang balloon sa kamay ni ko.

Kinuha ko kasi iyon kay Adam para tignan. Nag high five sila ni Adam at Austin.

"Ayos, bro?" Tanong ni Adam.

Tumango si Wade at bumaling sakin. Winagayway ko yung balloon. Sa totoo lang, alam kong ako yung makakapagpabago ng pag iisip niya, pero hindi ko alam kung paano. Pakiramdam ko, ako yung superhero na may power pero hindi alam kung paano gamitin ang power na iyon.

"Ano yan?" Sabay turo sa balloon na hawak-hawak ko.

Lumapit ako kay Wade. Nilahad niya ang bisig niya, para bang naghihingtay siyang yumakap ako sa kanya. Kaya sinandal ko ang buong katawan ko sa kanya nang ipinakita ko iyon.

Pinulupot niya ang kanyang braso sa baywang ko.

"Galing sa fans mo sa labas." Sabi ko at tinuro ang nakalagay sa balloons.

Hinalikan niya ang pisngi ko at binasa ang nakasulat doon. Ngumuso siya.

"They love you because they love me..." Aniya.

"Ayaw mo nun? Ready silang tanggapin yung desisyon mo para lang bumalik ka?"

Umiling si Wade at hinila ako, "Tara na... Uwi na tayo..." Ngumisi siya sakin.

Sumimangot naman ako ngayon. Ayaw niya talagang paawat sa desisyon niya, ah?

Nagpadala ako sa hila niya papunta sa elevator.

"See you around, man!" Tinapik niya sa balikat si Austin at Adam.

Kakalabas naman si Zac sa studio, naabutan niya kaming paalis na. Napatingin si Zac sakin at ngumisi kay Wade.

"Basta sama ako sa kasal, ah..." Aniya.

"Whatever, Zac." Pumihit si Wade para talikuran sila.

Ramdam ko, kita ko sa mukha niya ang panghihinayang. Magkaibigan silang apat. Mejo matagal-tagal narin silang magkasama para buuin ang Going South. Nakakalungkot isiping dumating lang ako ay gumuho agad yung pundasyong inilaan nila para sa bandang ito.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon