Kabanata 37

1.4M 31K 17.8K
                                    

Kabanata 37

Dimple

"Tama lang yung ginawa mo." Sabi ni Rozen.

Sumulyap ako sa kanya. Hindi ko na makitang mabuti ang ekspresyong binibigay niya dahil bumabaha na ang luha ko sa gilid ng mga mata. Hindi siya tumitingin sakin. Diretso lang ang titig niya sa kalsada habang umiiyak ako dito ng sobra-sobra.

"Reina, hindi rin naman kayo bagay. Magkaiba ang mundo niyo. That's a fact." Dagdag niya.

Umiyak na yata ako mula Alegria hanggang Manila. Kahit na nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe, pagkagising ko, basa parin ng luha ang mga pisngi ko.

Kinusot ko ang mata ko. Halos makalimutan ko kung anong nangyari pagkagising ko. Bakit masakit ang puso ko? Bakit masakut at namamaga ang mga mata ko? At bakit ako nandito?

"Rozen, inamin ba sayo ni Zoey ang lahat ng ito?" Tanong na bumabagabag sakin pag alis namin ng Alegria.

"Oo. Pero nalaman ko muna iyon bago niya inamin. Alam ko na nung una, confirmation na lang sa kanya ang hinihintay ko."

Sumakit ulit ang dibdib ko. Damn, Wade! You failed me. Pero nasasaktan parin ako sa nagawa ko sa kanya. Tuwing naaalala ko ang mga mata niyang nagmamakaawa. Parang ang sarap magpaloko. Parang ang sarap hayaan na lang siya sa mga gusto niyang gawin.

"Reina, you can't just leave." Sabay pukpok ni Coreen sa cellphone kong matagal nang naka off at lowbat.

Simula nung dumating ako sa Alegria hanggang ngayon, hindi ko parin na cha-charge iyon. Para saan pa? Natatakot akong mag makaawa si Wade sakin at malusaw yung inaalagaan kong inis at pagkamuhi.

"Coreen." Ngumisi ako. "I'm leaving for my dream. I'm gonna miss you so damn much!" Sabay yakap ko sa kanya.

Narinig kong suminghap si Rozen sa likuran ko. Kanina pa kasi siya nakahalukipkip at pinanonood ang pagpukpok ni Coreen sa cellphone ko.

Tinulak ako ni Coreen.

"No... You're not leaving for your DREAM, Reina! Gusto mong tumakas kay Wade!" Sumulyap siya kay Rozen at inirapan niya ito.

"Hindi ako tumatakas. Tapos na ang paghaharap namin. Tapos na ang laro kaya aalis na ako sa stage." Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga damit.

"Ang hindi ko ma gets ay kung bakit mo sinabi sa kanyang nag kunwari ka lang! Warak na yung puso niya dahil sa nangyari-"

"Mas wasak ang puso ko dahil niloko niya ako-"

"Pero akala niya na loko siya, iiwan mo siya, at nagsisisi siya, hindi ba mas wasak yun?"

"Kasalanan niya. In the first place, dapat di niya ginamit si Reina!" Galit na singit ni Rozen.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon