Kabanata 34

1.4M 33.1K 7.1K
                                    

Kabanata 34

May Naghahanap

Ipinakilala din ni Wade sakin ang super gwapo niyang papa. Tahimik ang pamilya niya. Lalo na ang kanyang papa. At mukha namang seryoso at strikta ang mama niya.

"Saan ba kayo nagkakilala ni Wade?" Tanong ng mama niya sakin.

Makinis ang mama ni Wade. Matuwid at makintab din ang kanyang buhok. At may aura talaga ng pagiging teacher sa kanya. Ang papa naman niya ay tahimik at mukhang serious type.

"Sa school po." Sagot ni Wade.

Tumango ang mama ni Wade sa akin. Ngumiti na lang ako kahit na umaapaw na ang kaba ko.

Syempre, ito ang unang pagkakataong maipapakilala ako sa parents ng isang lalaki.

"Schoolmate niyo rin si Zoey, diba?"

Tumango ako at sinulyapan si Wade.

Pero kumuyom ang panga ni Wade sa sinabi ng mama niya. Na curious tuloy ako kung bakit.

"Hindi ba siya nagalit, Wade?"

Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain ko. Ang mama naman ni Wade ay nakatingin sa pagkain na parang wala lang kahit nakakaintriga na ang tanong niya.

"Hindi naman." Simpleng sagot ni Wade.

"Scholar ka din ba doon, hija?"

Para akong nakalunok ng sandamakmak na bato sa tanong ng mama ni Wade.

"H-Hindi po."

Pinagtuonan pa ako lalo ng pansin ng mama ni Wade.

"Ibig sabihin nagbabayad ka ng tuition?"

"O-Opo."

Marahan siyang tumango, "Anong trabaho ng nanay at tatay mo?"

"May negosyo po sila." Agad na sagot ni Wade.

Tinignan niya ako at nagkibit balikat siya. Para ulit akong nakalunok ng mga hollowblock. Shiz naman!

"Halika, Reina. Hayaan mo muna si Wade sa labas." Sabi ng mama ni Wade habang nagliligpit ng gamit.

Si Son at ang kanyang papa ay nanonood ng TV habang si Wade naman ay abala sa pagpapakain sa mga manok sa labas. Nakita ko pang nag topless siya. Nakita siguro ng mama niyang tinignan ko siya kaya agad niyang kinuha ang atensyon ko.

"Opo."

Kahit na marami kaming katulong sa bahay, may alam parin ako sa pagliligpit ng mesa. Ang mama ni Wade ang naghugas ng plato, kaya ang ginawa ko ay pinunasan ang mesa. Pinanood niya ako at nakita kong tumaas ang kilay niya. Sobrang kaba ko na na kahit sanay naman ako ay nahuhulog ko yung mga tira-tira sa sahig. Putspa! Tama na, puso! Masyado ka ng tensed!

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon