Kabanata 42
Hindi Kaya
"Okay, Wade. Whatever. Itext mo ako pag nagkagirlfriend ka na ah nang magkascoop naman ako sayo."
Tumawa si Wade at umiling habang papaalis si Johnny.
Nakatayo parin ako sa harapan niya at nakatunganga sa malaking pagbabago niya sa pisikal at pag uugali. Bumaling siya sakin at napawi ang ngisi niya.
Ngayon lang ako na conscious sa itsura ko ng ganito. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko. Tapos na akong mag sorry. Sinabi niya na rin saking wala na sa kanya iyon at nakalimutan niya na. Mabuti. Mabuti dahil nalimot niya na ang ginawa ko pero ang tanong ko ay may feelings pa ba siya sakin? Malamang wala na! Kahit na gusto kong magtanong, hindi ko magawa.
"Ano pa ang gusto mong sabihin sakin, Reina?"
Walang katapusan ang naramdaman kong kirot. Hindi ko alam kung talagang harsh ba yung mga sinasabi niya o dahil lang ito sa pagiging guilty ko.
"Wala na tayong magagawa sa nangyari noon, Reina. Mag move on na lang tayo. Sorry din kung pinagplanuhan kong gamitin ka. Tapos na iyon. We we're teenagers. Kung nag kunware ka noon, well then, that's too bad." Nagkibit-balikat siya.
Aalma na sana ako sa sinabi niyang pagkukunwari ko. Na mali yung mga sinabi ko noon. Pero bago ko pa maibuka ang bibig ko para magsalita.
"Oh, Andito na yung french mong boyfriend." Tumingin siya sa likod ko.
Napatalon ako at napatingin na rin sa likod ko. Nakita kong half-running si Liam papunta samin.
"Reina!?" Tawag niya kahit malayo pa siya.
"He's not my boyfriend, Wade." Sabi ko.
"Oh! Isa ba yan sa pagbabago mo? Akala ko ba sa mundo mo, hindi naghahalikan ang magkakaibigan, bakit ngayon naghahalikan na? Yan ba ang natutunan mo sa apat na taon sa ibang bansa?"
Magsasalita na sana ako at sasagutin siya pero...
"Liam!" Tawag niya sabay highfive kay Liam na nasa likod ko na.
Nilunok ko na lang ang mga salitang sasabihin ko sana.
"Bakit ka nandito, Reina?" Tanong niya sabay pamaywang saming dalawa ni Wade.
"Ah! Kinausap ko siya para sa pagdedesign sana ng suit ko-"
"WHOA!" Malaki ang ngisi ni Liam sakin.
Umamba siyang yayakapin ako.
"Your first job over in the Philippines, Reina! Amazing! Big time agad!"
Narinig ko ang pagtawa ni Wade kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...