Kabanata 72

1.5M 42.1K 26.6K
                                    

Kabanata 72

Quit

Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Mabilis din ang hininga ni Coreen at napaparanoid na at baka habulin kami ng mga fans at pagbabatuhin.

"Mga walang hiya!" Aniya habang tumitingin sa likuran.

Diretso ang paandar ko. Mabilis din ang tibok ng puso ko. Ngayong nasabuyan ako ng icecream, pakiramdam ko kaya nilang gumawa pa ng mas malala pa doon.

Panay ang liko ka para ilagan ang mga sasakyan nang nag ring ang cellphone ko. Mabilis iyon na kinuha ni Coreen.

Sinulyapan ko siya pero hindi ko maiwan ang kalsada.

"Sino yan, Coreen?" Natataranta kong tanong.

"Hello, Wade?" Bungad niya.

Napasulyap ulit ako.

"Si Coreen 'to. We just got harassed by your fans."

Muntik ko nang maibangga yung sasakyan. Wala akong planong sabihin yun kay Wade dahil alam kong magwawala iyon!

"COREEN!" Sigaw ko pero wala akong nagagawa.

Inilayo niya ang sarili niya sakin para maipagpatuloy ang pakikipag usap kay Wade.

"Tinapunan si Reina ng icecream- Yes, umalis siya ng bahay-"

Kinagat ko na lang ang labi ko. Isa rin yan sa dahilan kung bakit ayaw kong sabihin 'to kay Wade. Damn! Kinuha din ni Coreen ang cellphone niya.

"It's all over the internet? Kakaalis nga lang namin ng mall- Okay, here she is-" Inilahad niya sa akin ang cellphone ko habang ang isang kamay niya naman ay malikot na tinitignan ang Facebook niya.

Marahan kong kinuha ang cellphone. Nanunuyo ang lalamunan ko. Patay ako kay Wade!

"Gosh! Yung picture nating tinatapunan ng icecream, nagtrend agad. Tsk! The power of fame nga naman."

"Hello?" Nilagay ko ang cellphone ko sa tainga.

Papaliko na kami papunta sa village namin. Napabuntong-hininga ako. Natakasan ko ang fans niya!

"Ba't ka umalis ng bahay, Reina?" Mariin at seryoso ang tono ng boses niya.

"K-Kasi... pinagalitan ako. I want to take a break-"

"Listen... Gusto kong sa bahay ka lang. Wa'g kang lalabas hanggat di ko sinasabi... hanggat hindi kita pinupuntahan."

"O-Okay..."

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon