Kabanata 70
I Promise
Madali kong ni check ang Facebook account ko sa sobrang kaba ko. For the first time in history, nawindang ako sa mga notifications.
Una kong napansin ang 225 na friend requests...
"Deactivate your account, Reina." Sabi ni Wade sakin.
Siya na mismo ang kumuha ng mga pinamili namin. Mukhang balak niya rin yatang magluto kasi naging busy na ako sa pag fi-Facebook.
Umupo lang ako sa sofa at panay ang scroll ko sa wall ko.
Coreen Samantha Aquino: Uh-oh!
Maging sa comment ni Coreen ay maraming nag cocomment:
Coreen! Si Reina yun?
Hindi ba sila naman talaga mula pa noong college?
Wait, Reina's back in the Phil?
Napalunok ako nang binasa ko lahat ng nasa wall ko.
Reina, ikaw yung nasa viral pic?
Rein, ikaw yun?
Wade and Reina?
Huli na ang lahat, isa na rin sa nag wall sakin ang mga pinsan ko.
Reina Carmela Elizalde, dahil ba sa kanya?
Dami mo ng bashers. Tsk. Don't worry, we're here.
Nicheck ko rin ang inbox ko na tadtad na ng mga message.
WadeShanatics: I hate you. Mamatay ka na. Malandi. Kitang may gf yung tao.
WadeShaNation: Nakasulat na yung pangalan mo sa deathnote. Hope you rot in hell!
WadeShaForever: Manggagamit. We know your story. Ginamit mo si Shan para sumikat ka. Now you're using Wade!? HAHA Desperate much, girl?
OH MY GOD! Hindi ko na kayang basahin lahat ng mga mensahe nila. Naiiyak na ako kahit tatlo pa lang yung nababasa ko.
Hinaplot ni Wade ang cellphone ko.
"I said deactivate your account."
Nanginginig pa yung mga kamay ko at natutulala ako habang tinitignan siyang nakakunot ang noo at pinipindot ang cellphone ko.
Pagkatapos ng ilang sandali ay nilapag niya ito sa mesa at niyakap ako galing sa likuran. Sa init ng yakap niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Humagulhol na ako sa iyak. Alam ko. Nakita kong paparating ito. Hinahanda ko na ang sarili ko. At sinabi kong papanindigan ko na ito at sasabihin ko sa publiko... Sasabihin namin ni Wade, ganun pa man, tao rin ako, babae, nasasaktan din.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomansaIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...