Kabanata 59
All For Love
Hindi ko nabilang kung nakailang ulit kami ni Wade. Basta ang alam ko, I'm sore.
Hinahaplos niya ang buhok habang sinusubukan kong matulog. Seriously, can I sleep when he's topless near me? Mabuti na lang at pagod na pagod ako kaya hindi ko magawang abutin man lang yung dibdib niya.
"Reina..." Bulong niya sakin.
May init akong naramdaman sa leeg ko na tumakbo hanggang dibdib ko.
"Hmmm?" Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha.
Hindi ko masisisi ang mga tao. Masyado talagang nakakahumaling ang mukha ni Wade. Lalo na ang katawan niya. Hindi ko masisisi kung gusto siya ni Shan. Hindi ko masisisi kung maraming nababaliw sa kanya.
Hinaplos ko ang tattoo sa dibdib niya.
"Paano ito naging Reina?" Kumunot ang noo ko habang tini-trace yung tattoo.
"Alibata. Re-i-na." Sabay turo niya sa tatlong kulot na linya. "Mahirap kasi hanapin ang kumpletong alibata, kaya yan ginamit ko."
Tumango ako. "Bakit mo naisipang itattoo yung pangalan ko? I thought you were trying to forget me while I'm away?"
Ngumisi siya, "Yun nga, diba? I'm trying to forget you... but I couldn't, Reina. Kaya nandyan ka."
Umiling ako sa sinabi niya at hinaplos ulit ang perpektong mukha niya.
"Anyway, mamayang umaga..." Sabay tingin naming dalawa sa wallclock sa harap namin.
Alas tres na pala ng madaling araw. Hindi na ako nakauwi. Ayokong umuwi. Bukas na ako magpapaliwanag sa mga kapatid ko. Ni hindi na nga ako nag abalang tignan pa ang cellphone ko. Hindi naman siguro nila ako papagalitan, malaki na naman ako.
"Pupunta kami ng Cebu, may mall tour kami. Bukas sa Davao naman kami." Aniya. "Kasama si Shan."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"R-Really? Yun ba yung dahilan kung bakit nasa building kayo ng manager ni Shan kahapon?" Tanong ko.
Natigilan siya at napatingin ng diretso sakin.
"You were there? Nasa building ka kahapon?"
Tumango ako, "Galing ako kay Shan kahapon para kunin yung stats niya. Tsaka kahapon din ako natanggap sa Fashion Week dahil sa tulong niya. Nakita kitang pumasok sa office ng manager niya."
"I-I didn't see you." Hinalikan niya ang noo ko.
"Marami kasing media. It's okay, naiintindihan ko naman."
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...