SPG: lengwahe he-he
------------------------------------
Kabanata 7
Bakit Naman Kaya?
Yes, I want to know everything about him. Pero paano? Kung itatanong ko sa kanya baka magsungit lang iyon. Pag i-stalk ko naman siya, lagot ako pag nalaman niya.
"Reina, I'll take you home later. Alright? Wa'g ka munang umuwi." Sabi ni Rozen sakin nang nagkasalubong kami.
Tumango ako, "Okay, I'll wait. Nasa benches lang ako. Just text."
Kakatapos lang ng klase ko at ipinapahintay na agad ako ni Rozen. Sana talaga payagan na ako ni daddy na gamitin yung kotse ko. May kotse na talaga ako pero paranoid sila, ayaw ipagamit sakin.
"Reina, mag sit in ka na lang sa class ko." Anyaya ni Coreen.
Umiling ako, "Naku! Dalawang oras yan, diba? Wa'g na. Kasi baka magalit si Rozen sakin pag wala ako dito sa benches."
Sumimangot si Coreen. "Haay naku! Hayaan mo na yang kapatid mo."
Umiling ulit ako, "Okay lang. Makikinig na lang ako ng music tsaka mag i-sketch."
Ngumisi si Coreen. "Ako yung i-sketch mo ah?"
"Okay." Tumawa ako.
Masaya niya akong nilubayan. Tinahak ko naman ang daanan sa gilid ng soccerfield. Paborito ko kasing lugar ng school ay ang benches malapit sa field. Mahangin kasi at maganda ang tanawin dito. Malayo pa lang ako, kitang-kita ko na na walang nakaupo sa bench na gusto ko. Mabilis akong naglakad.
Naka cross-fingers pa ako at nag cha-chant: Sana walang umupo-Sana walang umup...
PAK!
Mabilis ang pangyayari. Natigilan ako sa paglalakad ko nang may isang lalaking tumama bigla sa paborito kong bench.
"OH MY GOOOOD!" Sigaw ng mga tao.
Napasigaw na rin ako at napahawak sa dibdib ko. Hindi pa ako nakakita ng mga ganitong klaseng eksena. Pinalibutan agad yung lalaki ng mga tao. Nakita kong gumulong ang bola kung saan.
"Sorry, 'tol!" Tumakbo papalapit ang mga soccerplayers sa kasama nilang tumama sa bench.
"Tabi! Tabi!" Sigaw ng iba sa mga usisero.
"Sorry, Reina!" Napakamot sa ulo ang namumutlang soccerplayer sakin.
Napalunok ako at napaturo sa sarili.
"Ako? Bakit?"
"Tatamaan ka sana ng bola. Buti sinalo ni Wade. Damn!" Sabi nung soccerplayer.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...