Kabanata 12

1.5M 38.4K 17.4K
                                    

Kabanata 12

Para Sakin

Pagkatapos kong balutin yung cake ni Wade ay umakyat na ako sa taas para tawagin sila. Handa na kasi ang hapunan. Pero naabutan kong tumutugtog sina Noah.

Nakapikit si Wade habang kumakanta... seryoso ang mukha niya habang pinipicturan o vinivideohan siya ng mga audience nilang babae.

"Sana'y hindi nalang pinilit pa

Wala ring patutunguhan

Kahit sabihin ko pang

Mahal kita

Nalulungkot, nayayamot, nagmumukmok

Hindi ko pa yata kaya pang

Labanan ang damdamin ko..."

Napalunok ako sa lyrics na kinakanta niya. Tumindig ang balahibo ko habang tinitignan ang mukha niya. Nakapikit siya pero alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon nila ni Zoey. Somehow, ang kantang kinakanta niya ay parang naglalarawan ng totoong nararamdaman niya.

Umiling ako lalo na nang humina ang boses niya sa dulo ng kanta.

"Sana'y hindi nalang pinilit pa

Wala ring patutunguhan

Kahit sabihin ko pang

Mahal kita..."

Parang kinurot ang puso ko sa kanta at boses niya. Nakakapanindig balahibo.

Naiisip ko yung unrequited love niya para kay Zoey... Naiisip kong hinusgahan siya ni Zoey dahil hindi siya mayaman. Pinagkaitan siya ng pagkakataon ng babaeng iyon. Bakit pa kasi doon siya kay Zoey na inlove? Bakit pa kasi hindi na lang sa ibang mababait na babae na lang. Kahit hindi sakin, basta sa mga babaeng kaya siyang ipaglaban.

Napapikit ako habang dinaramdam yung sakit na nararamdaman niya kay Zoey.

Kung sakin siya maiinlove, iingatan ko ang puso niya. Hinding hindi ko siya sasaktan. Kahit na masungit siya at nang-iinis, nangingibabaw parin ang kabaitan niya minsan.

Dinilat ko ang mga mata ko. Bumungad sakin ang nakatitig na si Wade. Napaawang ang bibig niya habang pinagmamasdan ako.

Narinig kong pumalakpak ang managers.

"Good! That's really good! Sige, konting exposure pa, itutuloy na natin yung record niyo." Anila.

Dinumog agad si Wade ng mga babae. May dumumog din kay Noah pero agad niyang dineadma at nakipag-usap na lang sa managers. Kaya ang resulta, kay Wade pumunta lahat ng mga babae.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon