Kabanata 21
Magkaibigan Kami
Buong linggo ang walang pasok kaya nasa bahay lang ako buong linggo. Wala naman kasi akong sinalihang event kaya walang dahilan para pumunta ako sa school.
"Reina, pag dumating si Wade, sabihin mo na lang may lakad pa ako. Baka gabihin ako ng uwi. Dito mo na siya ipagtanghalian. Nakalimutan kong sabihin sa kanya na may lakad pala ako."
"Huh?" Padabog kong nilapag ang aklat ko sa table. "Pero, Noah. Itext mo na lang na wa'g na siyang pumunta dito."
"Bakit? Eh kung ayaw niyang magstay, sabihin mo na lang sa kanya na iwan na lang yung lyrics at balik na lang siya mamayang gabi."
Agad nang umalis si Noah. ANAK NG PUTSPA, dinalaw agad ako ng matinding kaba. Bakit ang swerte ko? Bakit ang galing mang utos ni Noah? Gusto ko namang makasama si Wade kaso nag hahyperventilate ako tuwing kasama ko siya.
Ano naman ang gagawin naming dalawa?
"Hi Reina!" Napalundag ang puso ko nang nakita ko kung sinong kakarating lang.
OMG!
"Rozen, Zoey? Bakit kayo nandito?"
Kumunot ang noo ni Rozen sakin, "This is my house, too, Reina." Nakita kong may halong galit at inis sa ngisi ni Rozen.
"A-Alam ko naman."
Umupo si Zoey sa tapat ng sofang inuupuan ko. Kinulot-kulot niya ang buhok niya gamit ang mga daliri. Si Rozen naman ay tumabi sa kanya. Hinaplos ni Rozen ang leeg ni Zoey. Nakiliti naman si Zoey kaya tumawa siya at sumulyap sakin ng namumutla.
"Rozen, stop it." Aniya. "Nandyan si Reina."
Kumunot ang noo ko at tumayo sa kinauupuan ko.
"It's okay, Zoey. Oh, Reina? Aalis ka?" Sabi ni Rozen sakin nang nakangiti.
"Sainyo na lang itong sala, kuya Rozen." Malamig kong sinabi.
"May lakad kayo ni Coreen?"
Tinalikuran ko sila at nagsimulang maglakad ng padabog sa hagdanan.
"Kung may lakad kayo, wa'g mong kalimutang ikwento sa kanya ito, ah?" Nilingon ko si Rozen at kinindatan niya ako.
What is his problem? Nagpatuloy ako sa pag akyat sa taas nang narinig ko ang katulong namin.
"Sir Rozen, may naghahanap kay Sir Noah sa labas. Wade Rivas daw."
Natigilan ako sa sinabi ng katulong.
"Ah? Wala ba si Noah?" Dinig kong tanong ni Rozen.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...