Kabanata 27
Paano Mo Yan Nalaman
Natapos na ang school festival. Nagbalik na kami sa school. Sa di malamang kadahilanan, excited akong tumungtong sa klase. At sa unang pagkakataon, masasabi kong excited akong pumasok sa klase ni Mr. Dimaano.
Laging walang tulala o di kaya ay inaantok si Wade tuwing papasok ako sa school. At sa oras na nagkakatagpo ang mga mata namin ay umaayos siya sa pag upo at nabubuhayan.
Well, iyon ang gusto kong isipin sa tuwing nadadatnan ko siyang sinusulyapan ako paminsan-minsan.
Isang araw, nagkaroon kami ng long test. Inayos ni Mr. Dimaano ang mga upuan namin. One seat apart. Nasa dulo ako. Siya naman nasa kabilang dulo ng linya namin. Mabilis akong natapos kasi wala akong naisagot. Nangungulelat na naman ako dito. Kahit kailan naman kasi hindi ako naging magaling sa academics. Sumandal ako sa bintana at pinasadahan ng tingin ang mga kaklase kong hindi magkanda ugaga sa pagsagot ng mga tanong.
Nahagip ng mga mata ko ang mga titig ni Wade. Nilalaro niya na naman ang ballpen niya at diretso ang tingin niya sakin. Uminit ang pisngi ko. Nag half-smile siya at bumuntong hininga. Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.
Tinignan niya ang papel niya... ilang sandali ay bumaling siya ulit sakin at mas lalong ngumisi. Yung nakakapangilabot at nakakapanindig balahibong ngisi. Ano kayang iniisip nito? Nang nakita niyang nakatingin parin ako ay umiling siya at tumingin na lang sa papel niya ulit.
"REINA CARMELA ELIZALDE!"
Halos magkaheart attack ako sa biglang sigaw ni Mr. Dimaano. Hindi iyon basta-basta kasi nung tinignan ko na ang mukha niya ay halos magsiputukan ang mga ugat ng ulo niya sa sobrang galit sakin.
Ano na naman ba ang ginawa ko? my God!
"ARE YOU CHEATING!?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong ni Mr. Dimaano.
"H-Hindi po!" Sabay pakita ko sa papel ko.
"Kitang kita ko ang paninitig mo sa kaklase mo!"
Napatingin ang mga kaklase ko sakin. Mas naging kahiya-hiya ang nangyayari dahil sa katahimikang ipinadama nila sa akin. Nakita kong umiling si Coreen at kinakagat ang labi. Nasa harapan siya ng table ni Mr. Dimaano. Lumapit si Mr. Dimaano sakin.
Tinignan niya ako sa likod ng eyeglass niya. Pula ang mga mata niya sa galit. Napalunok ako. Tinuro niya ako.
"Bumabagsak ka na sa subject na ito kaya ka nangongopya!"
Napatayo ako sa panggigigil niya. Nakakahiya! Naiiyak na ako sa kahihiyan! Ayokong sumulyap kay Wade pero hindi ko nakontrol ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...