Kabanata 64
Just An Act
"Dapat kasi sinabi mo na lang agad sa kanya..." Sabi ni Wade sakin habang niyayakap ako galing sa likuran.
Hinahaplos ko sa tabi ng ang bloodhound niyang si Carmela.
"Alam ko. Masyado lang akong naging busy at hindi ko alam kung paano ko sisimulan yun. Natatakot akong masaktan siya." Sabi ko.
Suminghap si Wade sa tainga ko, "Now don't tell me ipagpapatuloy mo lang yan dahil sa takot mong masaktan siya?"
Umiling agad ako at lumingon kay Wade.
Muntikan ng magtama ang mga labi naming dalawa. Natulala ako sa kanyang mga labi. Napatingin din siya sa labi ko pero lumingon siya sa gilid para maiwasan ang ito.
"Wade, I'm sorry." Sabi ko. "Sasabihin ko sa kanya."
Natuyo ang lalamunan ko. Iniisip ko pa lang kung paano ko sisimulang sabihin kay Liam ang tungkol samin ni Wade.
"I hope so, Reina. Lalo na't papalapit na ang world tour ko. I won't be here to check on you anymore."
Bumaling ulit siya at tinitigan ako. Palingon-lingon ako nang tumingin siya sakin. Para kasing hindi ko kaya ang intensity ng titig niya. Para bang may mga expectations siyang tinatanim sakin.
"Reina, speak your mind. Hindi mo pwedeng pagtakpan ang katotohanan para lang hindi masaktan ang ibang tao o para protektahan ang sarili mo. It's okay to speak your mind. Kasi kahit anong mangyari, nandito naman ako, hindi kita pababayaan."
Tumango ako at lumunok. Hinaplos niya ng dahan-dahan ang buhok ko at hinalikan ang pisngi ko.
"Naaalala mo kung paano kita napansin?" Ngumisi siya.
My cheeks burned, "Hmmm? H-Hindi, syempre... Hindi ko nga alam na may ganun." Humalakhak ako.
"Because you told me you liked me, Reina. Lagi kang straightforward noon. Yung napansin ko, straightforward ka pag alam mong wala kang masasaktan, pag tingin mo okay lang. Pero tuwing may masasagasaan ka na, tumitiklop ka. It's not always rainbows and butterflies, Reina. At some point, may masasaktan ka talaga."
Tumango ako at tinignan ang mga daliri ko.
Tama si Wade. I've always been straightforward to him. Alam ko kasing hindi ko siya maabot. Pangarap na hindi ko maabot noon. Kaya kampante akong sabihin sa kanya yung mga nararamdaman ko kasi alam kong ayos na ako maiparating ko lang sa kanya yung nararamdaman ko. Pero ngayong alam kong masasaktan ko si Liam kung sasabihin ko ang totoo, umuurong yung sikmura ko. Naduduwag ako. Kasi alam kong masasaktan ko siya.
Ilang beses kong inisip kung paano ko sisimulan yung pagsasabi ng totoo kay Liam. Hindi ko iyon naisasagawa kasi hindi na siya nagpapakita sakin.
Tinitext ko siya...
Ako:
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...