Kabanata 51
I Love You, Carmela
Ilang sandali lang ay hinanap na si Wade at inilayo na siya sakin. Well, siguro naman ay okay na desisyon ang ginawa ko. Hindi pa ako readyng i-bash ng mga fans nila ni Shan at sigurado akong liliit yung fans niya pag nalamang may nililigawan siyang iba. At eto pa, hindi pa naman kami kaya mas mabuti na rin sigurong sekreto lang ito.
Inilatag ko yung mga susuotin ni Wade doon sa backstage. Hindi dapat ako umalis ng backstage, kaya lang may 30 minutes akong walang ginagawa. Siguro mas mabuti kung panoorin ko siya ngaypng tumutugtog. May oras pa naman akong bumalik bago siya mag change ng damit.
Pinayagan naman ako ni Mr. Manzano na manood muna. Tumayo ako malapit sa mga VIP. Nandoon ang iilang artista. Nandoon din yung magagandang models. May T-shirt pa silang may nakalagay na 'Rivas' sa likuran.
Maraming poster tsaka tarpaulin na naglalakihan. May mga makukulay pa silang glow in the dark sticks and ballers. May nag effort pang magdala ng balloons. Ang ingay ng mga fans. Napatingin ako sa stage at nakita ko yung dim lights. May limang minuto pa bago mag simula yung concert pero hyper na ang mga tao.
"WADE RIVAAAAAAAAAAAAAAS!"
Napahawak ako sa sarili kong lalamunan. Ang sakit nun sa lalamunan, ah? Grabe naman sila kung makapag cheer. Malamang naghihintay na lang din yung Going South sa oras. Siguro nandyan na sila sa gilid.
"ARGHHHHHH! GOING SOUTH! GOING SOUTH! GOING SOUTH!" Napangiti ako sa sa ingay nila.
Sabay-sabay pa talaga sila nung nag cheer!
"OMY GOSSSSSSH! WADE-SHA! WADE-SHA! WADE-SHA!"
Nakita ko sa may harapan ang pagdating ni Shan. Nakabalandra ang dimple niya sabay ngisi sa buong sambayanan. Kumaway siya sa mga fans at binigyan sila ng flying kiss. Kumirot ang puso ko nang nakita ko kung sino yung mga kasama niya.
Tumabi sa kanya ang mama ni Wade. Buong pamilya ni Wade ay kalinya niya sa mga upuan sa VIP section. Katabi niya naman yata ang isang bigating tao. Bumulong siya rito at nagtawanan sila.
"This is a big scoop! Shan with Wade's parents! Malapit na ang kasal!" Bigla akong tinulak nang di sinasadya ng isang taga media.
Panay ang picture niya sa kay Shan na nakikipag usap naman ngayon sa mama ni Wade.
Gumapang sa sistema ko ang inis at pagka irita sa sitwasyon. Ang tanging inisip ko na lang ay kailangan kong magpakatatag. Magpapakatatag ako para kay Wade, para saming dalawa. Matagal siyang nag sakripisyo para sakin, kaya ako naman dapat ngayon. Kaya niyang isuko itong tinatamasa niyang pangarap para lang sakin. Alam naman nating hindi na iyon kailangan. Mas gusto ko yung kinakamit niya yung mga pangarap niya. Para kasing simula nung nakilala niya ako, nawalan na siyang interes mangarap para sa sarili niya. Zoey's right, he will self destruct. Kaya dapat kong intindihin ang lahat ng mga ito. Parte ito ng fame. Ganyan talaga pag nasa showbiz. Hindi mo maiiwasang malink kahit kanino.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...