Kabanata 66
Ang Sapatos
"Congrats, Reina!" Nabigla ako pagkarating ko sa bahay namin.
Kumpleto ang pamilya ko. Nagpasabog ng confetti ang dalawa naming katulong pagkapasok ko. Bihis na bihis ang mga magulang ko.
Nandoon din ang mga pinsan ko, mga tito at tita, at maging ang pamilya ni Liam ay nandoon na.
"Thank you!" Maligaya kong niyakap ang mga magulang ko.
"Congrats, hija! Alam aming may talent ka talaga noon pa, buti na lang at pinayagan ka ni Francis na mag aral sa ibang bansa." Sabi ng tita ko.
Ngumiti si daddy kay tita.
"Sabi sayo, eh. Diyan siya e-excel!" Dagdag ng isa ko pang tita.
Tinignan ko ang mga kapamilya kong nakangiti sakin habang may hawak na mga glass at umiinom ng wine.
"Congrats, Reina!" Sigaw ng isang pinsan ko sabay yakap sakin. "Sikat ka na!"
"Uy, di ah!" Sabi ko.
Ngumisi pa siya lalo at may tinignan sa likod ko. Bumaling ako sa tinitignan niya sa likod ko at agad kong naaninag ang mga bulaklak na dala dala ni Liam.
Halata sa mukha ni Liam ang pangamba at pagiging uneasy sa pagbigay sakin nito.
"Congratulations, Reina." Umamba siyang hahalikan ako sa pisngi ngunit nag iwas ako at nagkunwaring hindi nahalata na ganun ang gusto niya.
Bumaling agad ako sa pinsan kong nakangisi at naghihintay ng halikan saming dalawa.
"Thank you, mom, nasurpresa ako!" Untag ko sa mommy ko nang nakitang lumalapit samin.
"You're welcome, baby. Oh, dinner muna tayo. Diretso na sa garden!" Aniya saming lahat.
Puno ng kwentuhan at kamustahan galing sa mga tito at tita ko papuntang garden. Ni hindi ko pa nabibitiwan ang dala kong bag at flowers na galing kay Liam.
"Ako na magdadala ng bag mo, Reina." Aniya nang napansin ang paghihirap ko.
Napatingin ako sa kanya. Tumango siya at naglahad ng kamay. Hindi ko alam kung nagpapakatotoo ba siya o may kung anong susunod na mangyari. Basta ang alam ko, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako.
"No, thanks, Liam. Manang!" Tawag ko sa katulong.
Agad kong inabot ang bag ko sa unang lumapit doon.
"Pakilagay po itong bag ko sa kwarto."
Inabot din niya ito agad. Dahil tumigil ako sa paglalakad, nahuli ako sa garden. At dahil sumusunod lang si Liam sakin, sabay kaming dumating sa garden na hawak-hawak ko yung flowers niya.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...