Kabanata 33

1.5M 38K 25K
                                    

Kabanata 33

Lagpas Ulo

Lumabas ako ng tricycle at tinitigan at nag baka sakaling may lalabas na bahay sa kalesa at kalabaw na iyon.

"Sasakyan natin yan papuntang bahay." Aniya nang nakita ang mukha kong nagtataka sa kalabaw at kalesa.

Napalunok ako. Ito kasi ang first time kong makakasakay ng ganyan. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o magyaya kay Wade na maglakad na lang. Pero naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko na.

Buong pag aakala ko ay hahayaan niya akong humakbang sa kalesa pero nagkamali ako, binuhat niya ako sa mga bisig niya. Ngiting-ngiti siya nang ginawa ito.

"ARGH! Wade!" Hinampas ko ang braso niya sa sobrang kaba.

Naririnig ko na talaga ang sarili kong puso na halos lumabas na sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Halos masabunutan ko siya sa mini heart attack ko. Pinikit niya ang isang mata niya at tumawa sakin.

"Ayan, gusto ko ng maingay ka." Kumindat siya.

Hinampas ko ulit ang braso niya.

"Ang green mo talagang bumanat!" Sabi ko habang pulang-pula na ang pisngi ko.

Tumaas ang kilay niya at nagsimulang maglakad.

"Anong green sa 'gusto ko ng maingay ka'?" Humagalpak siya sa tawa.

Kumunot naman ang noo ko at pinulupot ang braso ko sa leeg niya. Feel na feel ko talaga ang kakisigan at kagwapuhan niya. Natahimik siya at napatingin sakin.

"Kaya ko namang maglakad." Untag ko.

"Maputik dito.  Alam kong mamahalin ang sapatos mo, baka masira yan."

Tinignan kong mabuti ang sapatos ko, "Hindi ko naman alam yun. Pwede naman akong magpaa." Ngumisi ako.

Umiling siya at sumimangot, "Ang paa mo ay para sa paglalakad lang ng red carpet papuntang altar, hindi sa putik, hindi papuntang bahay namin, kundi papunta sakin."

Nag iwas siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang seryoso siya nang sinabi niya iyon. Buong akala ko ay matatawa siya sa dulo o di kaya ay idedeklara niyang joke lang yun.

"A-Altar, Wade?" Napalunok ako.

Kinagat niya ang labi niya at binaba ako sa kalesa. Hindi siya nagsalita hanggang sa tinapik niya yung kalabaw.

"B-Bakit, Reina? Saan ba sa tingin mo patungo ang relasyon nating ito?"

Sa mukha niyang hindi makatingin sakin at may pulang-pulang pisngi, marami akong napagtanto. Sa sobrang dami, hindi ko na halos maintindihan.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon