Kabanata 57

1.6M 33.2K 9.8K
                                    

Kabanata 57

Insecurities

Lumabas kami sa opisinang iyon na masayang masaya si Shan.

"I'm so proud of you. Naku! Sisikat ka! Lalo na pag labas namin ni Wade sa Awards." Aniya.

Lumilitaw ang kanyang dimple bawat pagsasalita niya.

"Uhm? Magkasama kayo ni Wade sa Awards?" Napalunok ako sa sariling tanong.

"Oo. Of course, no!" Ngumisi siya sakin.

Ipinakita niyang para akong baliw kasi tinanong ko pa iyon sa kanya.

"Ah! Of course." Ngumisi ako sa kanya.

"Oh! Hayan na boyfriend mo." Sabay turo niya kay Liam na tumatayo naman ngayon.

"Ah? Di ko yan boyfriend."

"Wehh? Showbiz ka ring sumagot kahit halata naman." Tumawa siya at nilagpasan ako.

"Yung sukat ko nga pala, kunin mo na lang sa reception, please, pinadala ko na sa P.A."

Tumango ako at sinalubong ang nakatayong si Liam.

Kumaway si Shan sakin, "Thank you!"

"Thank you din!" Matabang kong untag.

Kumaway ako ng marahan sa kanya. She's kind. Really kind and pretty. Walang kapintasan. Hindi ko alam kung sino saming dalawa ang maswerte... siya na alam o akala ng lahat na mahal ni Wade o ako na tunay na mahal ni Wade. Syempre, ako kasi ako yung tunay. I should think positive. Bawal ang mainggit sa kanya. Wala naman akong dapat kainggitan.

"Reina?" Tumaas ang kilay ni Liam nang nakita ang pagkakatulala ko. "You okay?"

"H-Huh?" Napatingin ako sa kanya. "Oo naman."

"Ba't ka natutulala diyan?" Tumawa siya.

Habang umiiling ako para sagutin ang sinabi ni Liam, napansin ko ang maingay na pag aassemble ng mga photographers at ilang taga media na may dalang mic at mga recorder/cellphone sa tapat ng elevator.

"Tabi! Paano sila makakadaan kung haharang-harang kayo diyan!"

Nanatili kaming nakatayo ni Liam habang pinagmamasdan ang nakaabang na mga reporters.

"Sino kayang dadating?" Tanong ni Liam sa kawalan.

Nakita kong papalapit na ang pagbukas ng elevator. Ilang sandali ay naghiyawan ang reporters nang tumatak na ang pulang light sa numero ng floor na ito.

*Ting*

Bumakas ang elevator at una kong nakita si Wade. Sa likod niya ay ang kanyang bandmates. Nasa tabi niya si Mr. Manzano at sa kabila naman ay isang nakaunipormeng bouncer.

"Si Wade!" Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang mabilis na naglalakad sa gitna ng maraming camera at reporters.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon