Kabanata 49

1.6M 35K 10.1K
                                    

Kabanata 49

Dahan-Dahanin

Unti-unti siyang tumango. Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan ko. Nawala sa isang iglap ang gutom na inaalala ko kani-kanina.

Natatakot akong sulyapan siya ulit. Nagutay-gutay na yata ang puso ko kanina nang narinig ko ang boses niyang nababasag sa bawat salita.

Kailangan naming magdahan-dahan. Dahil masyado akong naging padalos-dalos noon. Agad ko siyang nagustuhan at agad ko ring inamin sa kanya ang nararamdaman ko. Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. At sa huli, pinaandar ko naman yung utak ko at isinalba ang tanging natitira sakin - ang pride ko. Sa mga ginawa kong iyon, naging magulo kaming dalawa.

Madali akong napaniwala ni Rozen sa mga panggagatong niya sa akin. Marupok pa ang pag iisip ko. At inaamin kong masyado kong binuhos ang emosyon ko sa aming dalawa ni Wade noon, na sa huli ay binawi ko agad sa takot na pinaglalaruan niya lang ako.

Pagkabalik ko naman, mahal ko parin siya. Padalos-dalos parin lahat ng ginawa ko. Nahihirapan siya sa mga desisyon kong puro padalos-dalos at makasarili. Ngayon, gusto kong itama ang lahat. We should take it slow. Kung kami, magiging kami sa huli. Kung mahal niya ako, walang makakahadlang sa aming dalawa. Kung matatag ang pagmamahal ko sa kanya, magagawa ko ito.

"Wade, w-we need more trust." Nanginig ang boses ko nang sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para magsalita. "We need to rebuild our relationship. Padalos-dalos ako, padalos-dalos ka rin. Mahal kita at-"

"Mahal na mahal din kita." Nanginginig din niyang singit.

Napalunok ako, "Oo. Kaya wala tayong dapat ipangamba. Kung mahal natin ang isa't-isa, pareho tayong loyal, hindi ba? I've never had any romantic relationship ever since, Wade. Ikaw lang."

Napatingin ako sa kanya. Nakaawang ang kanyang bibig at titig na titig sakin. Pula ang kanyang ilong, patunay na kakagaling niya lang sa pag iyak kanina.

"Kung ganun, anong klaseng relasyon meron kayo ni Liam?" Matabang niyang tanong.

"Wade, we're just friends."

"K-Kung mag kaibigan kayo, noon sabi mo sakin hindi pwedeng maghalikan yung magkaibigan, bakit kayo naghahalikan?" Seryoso niyang tanong.

Gusto ko siyang sungitan, but I restrained myself.

"Hindi kami naghahalikan. Hinahalikan niya lang ako sa noo o sa pisngi-"

"What difference does it make?"

Napasinghap ako, "Wade, it's a foreign practice. Ganun yung mga french. Na acquire niya iyon sa tagal niyang nasa France."

"Matagal ka rin naman sa France, ah? Bakit di mo magawang halikan ako in front of people?"

Nag iwas siya ng tingin. Napapikit ako at napanguso sa pagpipigil ng ngiti. I don't know... We should take it slow pero mukha siyang walang planong bagalan ang tungkol saming dalawa.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon