Kabanata 28
Sino ang Papaniwalaan
Nagkatitigan kami ni Rozen. Nanalangin akong babawiin niya ang mga binitiwang salita tungkol kay Wade.
Hindi iyon totoo. Pabalik-balik kong sinasabi iyon sa sarili ko. Ayaw kong dungisan ang magandang imahe ni Wade sa utak ko. Akala ko ilang sandali ay babawiin niya dahil sa guilt niya sa paninira kay Wade pero di niya ginawa.
"I tell you, Reina."
Padabog kong iniwan ang mga papel. Buti natapos ko ang mga iyon. Binalewala ko ang ibang mga taong lumalabas-pasok sa faculty.
Pagkalabas ko, lumingon-lingon ako sa labas para hanapin si Wade. Hindi ko siya nakita. Kinabahan na agad ako. Asan siya? Nasabihan na ba siya ni Rozen? Umalis ba siya dahil guilty siya?
Ayokong maniwala! NO! THIS ISN'T TRUE!
Tumakbo ako pababa ng building. Hinanap ko siya sa bawat floor.
"Reina? May problema-" Tanong ng mga nadaanan kong mga tao.
Naiiyak na kasi ako. Kinukurot ng paunti-unti ang puso ko. Habang tumatagal ko kasing di nakikita si Wade ay mas lalong bumibigay ang sarili ko. Unti-unti din akong naniniwala kay Rozen.
Mabilis ang takbo ko pababa hanggang sa umabot ako ng first floor. Malakas ang buhos ng ulan. Walang payong si Wade. Kung guilty siya at umalis na lang, siguro basang-basa siya ngayon. Pero, teka, bakit iyon ang iniisip ko!? Kung guilty siya, ibig sabihin pinaikot niya lang ako at ginamit!
Mabilis yung takbo ko nang nakita ko siyang nakatayo malapit sa labasan ng building. Pero unti-unting nawalan ng lakas ang mga binti ko. Unti-unting bumagal ang pagtakbo ko. Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng dibdib ko. Hanggang sa tumigil na ako sa pagtakbo. Mga limang metro na lang ang layo ko sa kanya. Nakatagilid siya sakin. Maraming estudyanteng dumadaan sa pagitan namin, pero walang estudyanteng dumadaan sa pagitan nila ni Zoey.
Seryoso ang mukha ni Wade nang tinitigan niya ang payong ni Zoey.
Nakita kong unti-unting lumambot ang ekspresyon ni Zoey. Mas lalo niyang nilapit ang payong kay Wade. Para bang inooffer niya iyon kay Wade.
Napatingin si Wade kay Zoey.
Napalunok ako.
Of course... Wala akong alam. Kung ano man yung namamagitan sa kanila, labas na ako dun. Nandyan na si Zoey bago pa lang ako. Kahit na ibang relasyon nilang dalawa, inamin ni Wade na magkaibigan parin sila noon. Ilang taon na siguro silang magkaibigan. Malalim ang pinagsamahan nila. Kung ano man yung mga pinlano nila, sila lang yung nakakaalam.
Napaatras ako ng ilang hakbang. Tumindig ang balahibo ko, sa lamig at sa nakikita ko. Lumapit si Zoey kay Wade. Hindi umatras o umiling si Wade. Hinayaan niya lang si Zoey na lumapit sa kanya. Hinawakan ni Zoey ang kamay ni Wade tsaka umambang bubuksan ang payong.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...