Kabanata 14

1.6M 36.3K 11.6K
                                    

Spg: Lengwahe and mejo sexwal din.

----------------------------------------------------------

Kabanata 14

Ang Katotohanan

Hinayaan kong maging palaisipan ang lahat. Ayokong ipaalala kay Wade na kinumpronta siya ni Rozen. Ayaw ko ring i-hurt ang ego niya sa pamamagitan ng pagpapaalala kung bakit ayaw ni Rozen sa kanya para sakin. Besides, lumabas na makapal ang mukha ko sa ginawa ni Rozen. Hindi naman ako yung tinitignan niya kaya bakit ko pa bubuhayin yung pagkakamali ni Rozen, hindi ba?

Pero ayaw ko ring mapahamak siya kaya nag iingat ako sa mga ikinikilos ko, lalo na pag nandyan ang mga kapatid ko.

Nagse-set up na ng mga stage sa school. Bongga talaga tuwing school festival. Isang linggong walang pasok at puro extracurricular activities lang yung gagawin.

Sabado ngayon at wala ng pasok pero nandito ako kasi gusto kong bisitahin yung pagsi-set up ng fashion show. Gusto ko ring makita yung designs na susuotin ng models. Baka sakaling may makita akong maganda at mainspire pa ako sa paggawa ng designs.

Napadaan din ako sa stage nina Noah. Maraming mag pe-perform na mga banda. Isa sa kanila ang pinaka sikat na banda ngayon sa Pilipinas. Excited nga si Noah kasi mag pe-perform sila sa iisang stage nung bandang iyon. Sa sobrang sikat din kasi ng bandang Going South ay nagkaroon na sila ng world tour.

Ganun ang pangarap ni Noah, ang mapagkakitaan ng husto ang talento niya. Maganda nga iyon. Maganda sana kung mapagkakitaan natin ang mga passion natin, pero mahirap. Most of the time, you are trapped in the wrong place.

"Hi, miss."

Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko. Laking gulat ko nang nakita ko si Wade. Nakangisi siya ng usual evil-smile niya, naka black jacket at nasa likod niya ang gitara.

"W-Wade?" Uminit agad ang pisngi ko.

Hindi naman sa hindi ko ineexpect na magkikita kami. Alam kong magkikita kami ngayon pero hindi ko inaasahang kakarating ko lang ay siya ang bubungad sakin.

"Ba't ka andito?" Tanong niya.

Naglakad siya kasabay ko. Pakiramdam ko lumulutang ako sa hangin dahil kasama ko siyang naglalakad. Ngumisi siya at pinasadahan ng palad ang buhok. Gumulo ito kaya mas lalo siyang naging attractive. Pagkatapos nun ay kinagat niya ang labi niya at ngumisi sakin with matching dimple.

ARGH!

I looked away...

"May titignan lang ako." Sabi ko.

Tumango siya. "Ano?"

"Uh, yung stage nung fashion show. Dinig ko kasi ipopost yung designs ngayon. Balak ko sanang tignan ang mga iyon."

Ngumuso siya.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon