Kabanata 15
Bawal Humusga
"You're a playboy?" Tanong ko sa kanya ng wala sa sarili.
May natutunan ako sa pangyayaring ito. Hindi ka pwedeng mag conclude kahit dahil lang sa iilang ebidensyang nakalap mo. Kailangang mo ng tunay na impormasyon. Bawal manghusga. Bawal mag predict, lalo na pag pagkatao ng tao ang nakasalalay.
"Reina..." Hinawakan niya ang braso ko.
Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Unti-unti kong inilayo ang braso ko sa kamay niya.
Mas lalo siyang namutla. Napaawang din ang bibig niya. Hindi ko na alam kung anong ekspresyon ang ibinibigay ko sa kanya. Hindi na ako makapag-isip ng matino.
"Reina-"
Napalunok ako sa pagkabasag ng boses niya. Pero hindi ko na siya hinintay na magsalita pa ulit. Umalis na ako dun. Hindi ko alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya gayung mali ang mga iniisip ko. Parang nakasama ko ang isang taong nakamaskara. Parang nalinlang ako.
"It's not his fault, Reina. Ikaw itong humusga sa pagkatao niya. Hindi niya naman sinabi sayo'ng mabait siya, diba? Naging harsh pa nga siya sayo. Ikaw itong nagpumilit na mabait siya. You created your own idea of him."
Nakatutok ako sa nagrarampahang models sa harapan. Ang gaganda at ang tatangkad nila. Maganda din ang designs ng mga damit, yung iba hindi ko nagustuhan pero madalas, gusto ko.
Bumaling ako kay Coreen na kanina pa nagsasalita.
"Alam ko naman yun, Coreen. Talagang hindi ko lang alam kung paano mag react sa sitwasyon na iyon. Tsaka... isa pang ikinagagalit ko ay alam ni Wade na iniisip kong may gusto siya kay Zoey, bakit hindi niya ako diniretso na wala? Na puro ganun lang ang ginagawa niya?"
Nanliit ang mga mata ni Coreen sakin, "You think pag sinabi niya sayo, di ka lalayo?"
May point ang bestfriend ko. Pero sa ngayon, dahil sa inasal ko, sa mga katotohanang nabunyag at sa mga maling akala kong natolerate ni Wade, parang ayaw ko pa yata siyang kausapin. Halu-halong inis, galit, at kahihiyan ang naramdaman ko.
Alam mo yung feeling na tinawag mo sa maling pangalan ang isang tao? At kailanman, hindi ka niya sinaway sa pagkakamali mo? Kusa mo lang nalaman yung katotohanan pagkatapos ng ilang buwan? Ganun yung pinaramdam niya sakin. Nahihiya ako at nagagalit...
"Reina! Let's go! Tapos na ang show!" Sabi ni Coreen sabay hila sa braso ko.
"Saan?"
Umirap siya, "Saan pa, kina Noah!"
"Ayoko!" Uminit ang pisngi ko.
"Alam kong galit ka kay Wade, pero si Noah ang pupuntahan natin kaya wa'g kang mag-alala." Aniya.
"Ayoko-"
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...