Kabanata 1

2.3M 50.4K 33.5K
                                    

Kabanata 1

Mga Maling Akala

Uminit ang pisngi ko. Napauyuko ako at napatingin sa kamay ko. Nararapat ba akong tignan ng mala-diyos na lalaking ito? Sobrang gwapo niya na tingin ko ay mauubusan ng fans si Noah pag nasali siya sa Zeus. Alam kong walang pakialam si Noah kung may mas gwapo man sa kanya o mawalan siya ng fans... Puro pagsusuplado at pagsusungit lang ang alam noon sa mga babae. Itong si Coreen lang ang nagti-tiyaga sa ugali niyang mas masahol pa sa tae ng kabayo.

"OMG!" Niyugyog ulit ni Coreen ang braso ko.

Tumili siya. Nakatingin parin siya sa stage. Laglag ang kanyang panga at kulang na lang ay sumuko ng silver dust sa tuwa.

"Nakatingin parin siya sayo."

Tumingala ako upang makita ang nakangising gwapo sa stage. Nakabalandra parin ang stunning niyang dimple. Naranasan niyo na ba yung feeling na hindi mo kayang hindi tignan ang isang tao? Ito yun, eh! Ayoko siyang tignan kasi nahihiya ako. Ikinahihiya ko ang mga tigyawat sa mukha ko. Ikinahihiya ko ang walang powder at kung anu-ano pa sa mukha ko. Ikinahihiya ko ang kapangitan ko. Hindi ko alam kung bakit nakatingin siya sakin. Hindi ko mapagtanto kung ano ang nakita niya sakin at bakit ganito siya makatingin?

Love at first sight? Hindi.

Dinig na dinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko pa ito kailanman nararamdaman. Para akong mag o-oral recitation o di kaya ay magsasalita sa harap ng madla sa sobrang kaba ko. Wala naman akong gagawin na dapat ikakakaba ko pero bakit ganito?

"Iaannounce lang po namin ang result next week. Thank you for coming here."

Halos di na marinig ang boses ni Noah sa ingay ng mga tao. Lahat ng mga mata ay nakatoon sa lalaking huling kumanta. Bumaba siya sa stage. Pagbaba niya ay kinuha niya agad ang packbag niyang nakalagay sa isang upuan.

Nawindang ako nang nakita ko kung ano ang isa pang kinuha niya sa upuan niya. Nung una, hindi ko alam kung ano talaga iyon. Kulay itim at gumagalaw. Ano kaya yun?

"Ano yang kinukuha niya?" Tanong ni Coreen sakin.

Nagkibit-nalikat ako.

May narinig akong suminghap sa likod.

"Hay naku!" Sabi nung suminghap.

Gusto ko sanang lumingon pero hindi ko ginawa. Hindi ko talaga matanggal ang titig ko sa lalaking iyon.

"N-Native chicken ang dala niya?" Sambit ni Coreen.

Napatingin ako sa ekspresyon ng bestfriend ko.

"Anong native chicken?" Tanong ko nang nakakunot ang noo.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon