Kabanata 69
Buking
"Kumain muna tayo sa labas." Alok ni Wade.
Umiling ako.
"They'll see us, Wade."
Sinoot niya ang aviators na nasa table.
"They won't." Aniya. "Tsaka, no problem with that, Reina. Aamin din ako pagkabalik ng manager ko dito."
"Pero habang hindi pa alam ng publiko, mas mabuti sigurong manahimik muna."
Tinanggal niya ang aviators at umupo ulit sa sofa.
"Okay, then, mag go-grocery na lang tayo. Walang laman yung ref ko."
Tumango ako, "Puntahan natin si Zoey."
Iyon lang ang tanging naisip ko. Siguro hindi naman mamasamain ng mga taong nakakakita kung dalawa kaming kasama ni Wade.
"Alright..." Hinalikan ni Wade ang noo ko.
Sabay kaming umalis sa condo niya. Lumalayo ako dahil gusto niyang dumidikit siya sakin. Gusto niyang nakaakbay siya o di kaya ay nakahawak siya sa baywang ko.
Siniko ko siya nang may pumasok sa elevator. Nag uusap yung dalawang propesyunal na babae, pero nanahimik sila nang nang nakita si Wade.
Bahagya akong lumayo kay Wade kaya nagawa nilang pumagitna saming dalawa. Napakamot si Wade sa batok niya habang sinisimangutan ako.
Nilagay ko ang index finger ko sa labi ko.
"Shhhh..."
Napalingon ang mga babae sakin. Diretso lang ang tingin ko na para bang seryosong tumitingin sa kawalan at naghihintay na bumukas lang ulit ang elevator.
Saka lang ako nakahinga ng maluwang nang nakarating na ako sa sasakyan ni Wade. Bumuga ako ng malalim na hininga habang tumatayo doon.
Hindi pa nga ako nakakahinga ng maayos ay ikinulong na ako ni Wade sa kanyang dalawang braso. Napasandal ako sa kotse niya. Yung dalawang kamay niya ay nasa gilid ng dalawang braso ko.
"Reina, aamin din ako. Bakit hindi parin pwedeng makipagharutan in public?" Humalakhak siya.
Hindi na ako nakapagsalita dahil umamba na siyang hahalikan ako. Hinampas ko ang dibdib niya. Hindi siya natinag. Shiz those heat inducing abs.
"WADE!"
"Shhh! Walang tao dito sa parking lot... Walang makakakita..." Nakangisi siya nang palapit at palapit na ang kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...