Kabanata 29
Hindi Ganito Katindi
Namumugto ang mga mata ko sa sumunod na araw. Ayaw kong kausapin si Rozen. Nagagalit ako sa kanya. Pero hindi ko naman kailangang mag effort na wa'g siyang kausapin kasi palagi naman siyang wala. Hindi nagpapakita sakin.
"Matamlay ka yata?" Bulalas ni Coreen sakin nung sumunod na araw.
Pagkagising ko kaninang umaga, kinabahan na agad ako. Alam ko kasing magkikita kami ni Wade ngayon dahil sa klase ni Mr. Dimaano.
"Uhmm... Hindi ah." Sabi ko nang matama niya akong pinagmasdan.
Ilang sandali ang nakalipas, dumating na si Mr. Dimaano. Wala pa si Wade. Late kaya siya?
"Where is Mr. Rivas?" Tanong ni Mr. Dimaano sa aming lahat pero sakin siya nakatingin.
Yumuko ako at nagsikap na iwasan mag eye contact kay Mr. Dimaano.
"Elizalde, asan si Mr. Rivas?"
"P-Po?"
Pinagmasdan ko ang mga kaklase kong naghihintay rin sa isasagot ko.
"Hindi ko po alam."
Napabuntong-hininga sila nang narinig ang simpleng sagot ko. Paano ba naman kasi, sa sem na ito, hindi kailanman nag absent si Wade. Hindi rin naman ako nakapag absent. Si Coreen, naka ilang beses na. Yung ibang kaklase ko, madalas. Top pa si Wade sa klase kaya naman nakakapagtaka na wala siya.
Hindi kaya?
Kinukurot ang puso ko nang naiisip na galit na galit parin siya sakin. Halos sabunutan ko ang sarili ko sa inis.
Nang tumalikod si Mr. Dimaano para magsulat sa whiteboard ay agad kong tinext si Noah.
Ako:
Where's Wade?
Noah:
Tumawag kanina, may flu daw. Why?
May sakit siya? Tinatablan din pala siya ng sakit? I mean, sa sobrang kisig niya ay nagkakasakit din pala siya? Naiisip kong wala siyang kasama sa apartment niya. Kaya niya kayang kumain ng walang nakaalalay?
Gustuhin ko mang pumunta sa apartment niya, pinigilan ko na lang ang sarili ko. Natatakot akong galit parin siya sakin. Kasalanan ko ito. Bakit ba kasi ako nagpadalos-dalos sa mga sinabi ko sa kanya? At tuwing naiisip ko yung confrontation namin sa CR, naaalala ko yung indirect na pagkakasabi niyang gusto niya ako. Actually, hindi lang gusto... higit pa dun... mahal niya ako.
Napalunok ako. Mas lalong kinurot ang puso ko. Totoo kaya iyon? Totoo kayang mahal niya ako? Pero nasaktan ko siya. Mamahalin niya parin ba ako kahit nasaktan ko siya? Naiinis talaga ako sa sarili ko. Ayan na nga yung gusto ko, nakahain na, pero bakit ngayon parang nalilito parin ako sa mga desisyon ko. Parang hindi ko parin alam kung sino ang paniniwalaan ko.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...