Kabanata 67

1.4M 32.5K 10.8K
                                    

Kabanata 67

Mahal Ko Rin Siya

Umiiyak ako sa kwarto ng tumawag si Wade sakin. Matagal kong sinagot yung tawag. Inayos ko pa kasi ang boses ko. Wala akong balak na maglihim sa kanya, ang ikinakatakot ko lang ngayon ay ang pag aalala niya. Nakaya ko namang mag isa, kaya't hindi niya na kailangang mag alala. Baka umuwi lang iyon dito kahit di pa natatapos ang concert niya sa L.A.

"Hello?" Mahina ang boses ko.

Hindi siya agad sumagot. Para bang inisip niya munang mabuti kung may problema ba ako dahil sa boses ko.

"Wade?" Tawag ko, ngayon gamit na ang mas maaliwalas na boses.

"Ayos ka lang ba, Reina? May problema ka ba?"

Hindi ako makapaniwalang sa tono lang ng boses niya ibinase na may problema ako.

"Wala, Wade." Bumungisngis ako ng bahagya. "Nandito yung family ko para magcelebrate dun sa tagumpay ko sa Fashion Week. Alam mo na, maraming nakapansin sa gawa ko."

"I know... Congratulations, Reina. I'm so proud of you..." He sighed.

"Thank you..." Nabasag ang boses ko sa huling salitang binanggit.

Halos pukpukin ko na ang ulo ko sa inis sa sarili. Tumigil ka nga, Reina!

"Reina, uuwi ako pagkatapos ng L.A concert. You have to tell me what's your problem..." Aniya.

Umiling ako kahit alam kong di niya iyon nakikita, "Wala, Wade. Tapusin mo muna yung concert mo. Can't wait to see you... Miss na miss lang kita."

Hindi siya naniniwalang wala akong dinaramdam. Ayaw ko munang sabihin sa kanya ang nangyari. Knowing Wade, baka dumiretso lang iyon dito nang di tinatapos ang concert para lang ipagtanggol ako.

"You don't have to worry, Wade, I'm doing fine." Sabi ko sa kanya sa huli. "And Wade..." Sabi ko.

"Reina?"

"Makikipagkita siguro ako kay Shan this Friday." Sabi ko.

"Bakit? May appointment kayo?"

"Nope... I'll tell her about us."

Hindi ko alam kung padalos-dalos ba yung desisyon ko o yun talaga ang matagal ko ng pinag iisipan. SIya. Siya yung gusto kong makausap. Dahil karamihan sa fans ni Wade ay fans din niya, kaya nga may WadeSha dahil iyon ang gusto nila para sa kanilang dalawang iniidolo. Ramdam ko sa mga sagot ni Wade ang pag aalala at pagtitiwala. Para bang pinipilit niya ang sarili niyang hayaan ako sa desisyon ko, pero hindi niya parin magawang ipaubaya sakin ang lahat.

Mas pinili kong sa high end na restaurant kaming magkita. At least, publiko pero wala masyadong madla na mag aabang sa kanya. Sa restaurant ng Le Marcelle kami nagkita. Naka itim na dress siya, naka ponytail ang buhok at may malaking sun glasses.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon