Kabanata 22
Papatayin Sa...
Tahimik ako buong drive papunta sa Domino Heights. Ilang sandali pa bago ako nakahugot ng lakas para tanungin siya ng isang bagay.
"Wade... nilapitan ka ba ni Rozen? Binantaan ka ba niya na wa'g akong lapitan?"
Hindi agad nagsalita si Wade. Nilingon ko siya at nakita kong seryoso ang mukha niya habang tinitignan ang daanan namin. Mas lalo siyang nagiging attractive dahil sa malalim niyang iniisip.
"Oo." Simpleng sinabi niya.
"Kaya ba nagalit ka sakin? Kaya ba malamig ka nung una, sakin?"
"Oo."
Napalunok ako. Hindi na ako nagsalita ulit. Natatakot kasi ako sa reaksyon niya.
"Paano mo nalaman?"
Nagkibit-balikat ako, "Sinabi ni Coreen sakin."
Tumango siya.
Pinark ko ang sasakyan sa tapat ng bakanteng lupa namin sa Domino Heights.
"Ang ganda dito. Kitang-kita ang view ng buong syudad." Aniya.
Lumabas kaming dalawa.
"Wade, paki kuha yung mat." Sabay turo ko sa ilalapag naming mat sa ilalim ng punong kahoy na nakatayo sa gitna ng lupa namin.
"Okay po..." Ngumisi siya sakin.
5... 4... 3... 2... 1... SIGAW! My God! Pwede bawasan niya ng konti yung pagngiti niya at pagtitig niya sakin?
Kinuha ko ang mga pagkain at nagsimulang maglakad papunta doon sa puno. Kinuha ni Wade ang mat at nilapag niya iyon sa damuhan.
"Yung school ba natin yun?" Tanong niya sabay turo sa malaking gusali sa malayo.
Tumango ako at nilapag ang mga pagkain sa mat.
"Ang daming buildings, ano? Mas maganda dito pag gabi. Kitang kita mo yung city lights." Sabi ko at umupo ako sa mat.
Umupo siya sa tabi ko ng wala sa sarili. Nakatingin parin siya sa malayo.
"Ang ganda dito sa Manila." Aniya.
Pinagmasdan kong mabuti ang kumikislap na mga mata niya. "Maganda din ba sa Alegria?" Tanong ko.
Tumango siya.
"Umuuwi ka pa ba dun?" Tanong ko.
"Syempre... Nandun ang pamilya ko."
Tumango ako. "Anong trabaho ng mga magulang mo?" Tanong ko.
"Si papa ay retired army, si mama naman ay teacher." Ngumisi siya sakin.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...