SPG: Lengwahe. Baka marestrict ito. lol
-------------------------------
Kabanata 46
Laslas ng Leeg
Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Tinignan ko siyang mabuti at napapikit siya sa ibabaw ko. Napapikit din ako sa hapdi.
"Now, let's hope you are fertile."
Sa kalagitnaan ng ginagawa niya ay tinulak ko siya ng buong lakas. May tumakas na luha sa mga mata ko. Hindi ito dahil sa hapdi at sakit na naramdaman ko, kundi dahil ito sa kanya. Dahil sa inasal niya...
Ano ang ibig sabihin niya sa pag dadasal na fertile ako? Gusto niya bang mabuntis ako? Para saan? Gayung mukhang hindi niya pa ako napapatawad! Ngayong alam ko, galit parin siya sakin. He wants to impregnate me... and then leave? Kasi ayaw niya na sakin... Kasi gusto niyang magdusa ako... Gusto niyang mapahiya ako dahil galit na galit siya sakin!
Humagulhol ako sa iyak habang natigilan siya sa harapan ko. Pinagtabi ko ang dalawa kong tuhod para mapigilan siya kung sakaling aamba na naman siyang gawin iyon.
Nakita kong matulig parin siyang nag aabang sa reaksyon ko. Namutla siya sa kinatatayuan niya. Pinunasan ko ang luha ko at dahan-dahang inayos ang sarili ko. Sinarado ko ang shorts ko at dahan dahang kinapa ang mga gamit.
"Reina..." Mahinang boses niya.
Tinalikuran ko siya at niligpit pa ang ibang gamit ko.
"Reina, I'm sorry..."
Hinarap ko siya at sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sampalin siya.
PAK!
Nakita kong mas lalo siyang namutla kahit na pulang pula yung pisngi niya sa pagkakasampal ko. Nakita ko ang outline ng kamay ko sa pisngi niya.
Nanginig ang mga labi ko nang nagsalita ako, "I HATE YOU, WADE! I HATE YOU SO MUCH!"
Bumuhos ang luha ko. Napahawak ako sa nanginginig kong bibig.
"I know what you're planning!"
Kahit mahirap siyang espellingin, for some reason, nababasa ko na siya ngayon. Siguro sa tagal na naming magkasama at magkakilala, kahit maging misteryoso pa siya sakin, alam na alam ko na ang mga kilos niya.
"FVCK YOU!" Sabay turo ko sa kanya.
Napaatras siya sakin. Inayos niya na rin ang sarili niya. Pareho kaming may saplot na ngayon, yun nga lang, hindi ko alam kung naayos ko ba yung bra ko. Mamaya ko na poproblemahin iyon pagnakalabas na ako dito.
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...