Kabanata 10

1.5M 39.8K 22.2K
                                    

Kabanata 10

Dahil Gusto Kita

Hindi naman agad nakita yung resulta ng pagpapaderma ko. Pero may mga improvement na akong nakikita sa kutis ng pisngi ko.

Nilagay ko ang bangs ko sa tainga. Syempre, pag wala na akong pimples, kayang-kaya ko na ng walang bangs! Sinoot ko yung flats na binili namin ni Coreen. Soot ko rin yung sleeveless floral top at jeans na dati ko pa binili pero di ko naman sinusoot. Mahilig ako sa sleeveless pero nahihiya akong magsoot nito. Ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob.

These past few days, parang nagkakaroon na ako ng dahilan para mabuhay ng sagad. Hindi ko alam kung bakit.

Kinatok ako ni Noah.

"You done? Malilate na ako." Iritado niyang sinabi.

"Noah, mauna ka na. I'll use my car."

Ilang segundo pa bago siya nakasagot.

"So, hindi ka sasabay sakin pag uwi?"

"Yep..."

"Alright, bye. You take care, okay?"

"Yes, Noah."

Umalis din naman siya. Uminit ang pisngi ko nang kinuha ko ang pressed powder at yung lipgloss na binili namin ni Coreen.

Nilagay ko iyon sa mukha ko. Mejo umaliwalas nga ang mukha ko. Sinuklay ko ulit ang buhok ko bago nilagay ang lipgloss. Halos mapaluwa ako ng silverdust sa pag-aliwalas ng mukha ko. Now, all I have to do is walk better. Dapat hindi na yung laging nahihiya. Nilagay ko ang buhok ko sa isang side ng balikat ko at kinuha ang bag ko.

Pinindot ko yung alarm at tumunog ang itim na BMW ko. Nilapag ko agad ang bag sa front seat at pinaandar ito.

Ngayon, since humupa na ang pagkaexcite ko sa sasakyan ko, mas maingat ko itong pinaandar. Nang dumating ako sa school, pinark ko agad ito sa tabi ng sasakyan ni Noah. Lumabas ako at naglakad na ng diretso sa classroom.

"Hi, Reina! Nice hair!" Sabi ng isang lalaking nakasalubong ko.

Uminit ang pisngi ko at nginitian na lang siya.

Kahit hindi naman talaga major ang pagbabago ko, marami paring nakapansin. Siguro masyado lang akong naging reserved noon kaya ngayong nagbago ako ng konti, para sa ibang tao, malaking pagbabago na ito.

Paparating na ako sa classroom. Dinalaw agad ako ng kaba. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan.

Pagkapasok ko pa lang, naabutan ko na agad si Wade na pinapalibutan na naman ng mga kaklase ko. Nagkukwentuhan sila at nagtatawanan. Hindi nila namalayan ang pagpasok ko hanggang sa sumigaw ang lintek kong bestfriend...

"Hi, Reina! Good morning!" Aniya.

Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon