Kabanata 24
Dahan-dahan
Nangangatog ang mga tuhod ko habang naglalakad pabalik-balik sa loob ng kwarto ko.
Tinype ko agad:
Saan mo nakuha ang number ko?
Halos halikan ko ang cellphone ko nang na send iyon. For the first time in my life, nalaman ko ang importansya ng cellphone.
Mejo matagal siyang nag reply. To the point na napagod ako sa paglalakad ko. Umupo na ako sa kama at tinitigan ang cellphone ko. Labinglimang minuto na ang nakalipas.
Wade:
Kay Warren.
Two words. Ano ba naman ito.
Ako:
Anong ginagawa mo?
Matagal ulit siyang nagreply. Nakakafrustate namang ka text ito. Humiga na ako sa kama at tinitigan ang cellphone ko. 20 minutes.
Wade:
Nag lilinis. Ikaw?
Napangiti ako habang iniimagine siyang nag lilinis. Pero alam niyo yung feeling na nabuhay ang dugo niyo dahil sa simpleng tanong niya? "Ikaw?"
Natagalan ako sa pagrereply. Hindi ko alam kung bakit. Ilang beses ko pang tinayp at binura ang message ko bago ko nasend.
Ako:
Wala lang. Nag ti-text.
Sampung minuto pa bago siya nag reply.
Wade:
Lagi ka bang nag titext?
Abot tenga ang ngiti ko. Hindi ko alam kung anong meron sa tanong niya at bakit ganito ako makapagreact!
Ako:
Hindi naman. Wala ako katext eh.
Limang minuto bago siya nag reply.
Wade:
Panung wala. May numero ka kay Joey at Warren. Hindi ba sila nag titext sayo?
Tinitigan ko talagang mabuti ang pinakamahabang text niya so far. OMG!
Ako:
Hindi naman nila ako tinitext. Ano na gawa mo? (Pansin ko kasi mejo mabilis na siyang nakakareply kaya tapos na sigurong maglinis!)
BINABASA MO ANG
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
RomanceIlang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapa...