CHAPTER 1

3.4K 52 9
                                    


"Hay," buntong-hininga ni Shirley habang nakamasid sa asul na asul sa langit. Nakahiga siya ngayon sa sanga ng malaki at matandang puno ng mangga sa likuran ng St. Thomas High kung saan sila nakatambay nina Marj, Gia at Bianca sa halip na pumasok sa kanilang klase.

"Nakakabagot! Sabi na kasi sa inyo, e. Dapat pumasok na lang tayo kay Ma'am Guevarra," ani Gia na ang binanggit ay ang History Teacher nila na mas nakakabagot pa yata sa alas-tres ng hapon na oras dapat ng siesta.

"Tss, mas boring naman doon! Maghanap na lang tayo ng mapagkaka-abalahan natin habang nandito."

Napabangon siya mula sa pagkakahiga. Hindi naman kataasan ang sangang hinihigaan niya kaya nanatili siyang malapit sa mga kaibigan na nasa may damuhan lang nakaupo.

Tatlong klase na yata ang naliban nila ngayong araw. Ganito naman silang magka-kaibigan. Kapag hindi trip pumasok, hindi talaga sila papasok.

Wala din namang kuwenta kung um-attend sila ng klase, e. Puro masungit at wapakels ang teacher na napupunta sa section nila. Palibhasa ay Section F kaya 'di na sila sineseryoso. Anas ng mga ito'y wala din naman silang matututunan kahit gaano pa sila magturo. Puro lang naman daw sila mga tarantado doon dahil nga lowest section.

Hindi niya maintindihan ang part na 'yun. Paano kaya sila matututo kung hindi talaga magtuturo ang mga ito. Kahit na sabihin na mga tarantado talaga sila doon at puro mga pasaway, tungkulin pa rin ng mga ito na turuan sila. Ang kaso, sa halip na gawin iyon, ay ang mga ito pa ang sumusuko.

Oh, well. 'Di naman sa nagre-reklamo siya. Dahil doon ay hindi na masyadong nakaka-konsensiya kung mag-cutting man sila. Baka laking pasasalamat pa ng mga teacher nila ang pagkawala nilang apat sa room. Sila kasi ang pinaka-notorious na pasaway sa section'g iyon.

"May naisip ako," sabi niya sa mga ito.

Sabay-sabay na tumingala ang mga ito sa kanya. May kakaibang ningning ang mga mata na alam niyang repleksiyon lang ng sa kaniya. Ito talaga ang iginigising niya sa umaga at ipinapasok sa school na ito.

"Ano?"

Tumalon siya mula sa sanga patungo sa lupa. Kinuha nilang apat ang mga gamit nila saka itinapon ang mga balot ng pagkaing kanina pa nila nilantakan kaya ubos na. Pagkatapos ay naglakad sila patungo sa kung saan ang gymnasium.

Matinding pag-iingat ang ginawa nila para walang teacher ang makakita na pagala-gala lang silang tatlo kahit na oras ng pasukan. Nang masigurong ligtas na sila sa loob ay saka sila nag-usap usap.

"Nakikita niyo ba 'yun?" turo niya sa mga nagde-decorate ng stage na naroon para sa gaganaping Commencement Excercises dalawang linggo mula ngayon.

Sumilip sina Marj sa itinuro niya.

"O, ano'ng meron doon?" tanong ni Marj.

"Kukunin natin iyong mga pintura. Tapos punta tayo doon sa bagong tayong building. Maganda ang mga dingding doon. Malaki. Kulay puti...parang isang higanteng canvas," naka-ngisi niyang paliwanag sa mga ito. "And if you know what I'm thinking..." iginalaw-galaw niya pa ang kilay sa mga ito.

Nagkatinginan ang tatlo at napangising-aso.

"Uh-huh," sabay na tugon ng mga ito sa kanya.

Alam niyang iisa lamang ang likaw ng bituka nila.

NATATAWA siya habang pinagmamasdan ang kanyang obra. Litrato iyon ng tiyo niya na siyang Principal ng school na 'to. Ipininta niya ito sa dingding ng bagong-bagong tayong building. Karagdagang mga classroom iyon para sa K-12 program na magsisimula pa lang sa school nila sa susunod na taon.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon