CHAPTER 54

1K 36 10
                                    

Paulit-ulit na naman niyang minumura si Drake sa isip niya. Walanghiya. Mukhang hindi na naman siya patutulugin ng lalaking iyon ngayong gabi. Umaalingawngaw kasi sa isip niya ang mga sinabi nito bago umalis kanina.

Baliw na iyon. Akala ba nito natutuwa siya sa ipinapakita nitong katangahan sa kanya? Well...may kaunting kilig na kumikiliti sa kanya. Ikaw ba naman sabihan ng ganoon, 'di ka ba kiligin? Kahit naman may pagka-balasubas at bargas siya madalas ay babae pa din naman siya sa puso, isip at balun-balunan.

Pero hindi. Hindi siya pwedeng kiligin na parang timang na babaeng hayok na hayok doon kay Drake. 'Di pa rin nagbabago ang stand niya tungkol dito. 'Di talaga iyon dapat magbago para na rin sa kapakanan nito.

Think of all the humiliation he could get if everyone finds out that he's in love with the notorious bully of St. Thomas. Sabihin na nating kahit paano ay nag-lie low siya ngunit hindi maiaalis no'n ang katotohanang minsan, o madalas, sa buhay niya noon ay para siyang halimaw na kinatatakutan ng lahat.

And, of course, his history with Allie. People will surely call him 'stupid' for replacing the goddess with the...mortal. Sana marunong si Drake no'ng tinatawag na 'leveling' 'di ba? Kaso hindi. Kasi nga tanga ito.

Bumuntong-hininga siya at nagpumilit na lamang matulog. She had a nice dream though. Yuck. Ganito ba kapag in-love? Pakiramdam niya baliw na siya, e.

"Oh, Shirley, ikaw na muna ulit bahala dito ha. Magpunta ka lang sa salon kung may kailangan ka o 'di kaya ay mag-text ka," paalala ng kanyang Tita MJ kinabukasan.

"Sige Tita."

Mag-isa na naman siya sa bahay. Mukhang ganito na nga ang sitwasyon sa mga susunod na araw. Mabuti na lang at dalawang araw at pasukan na dahil buryong na buryong na siya sa kanila. But on the other hand, maganda na nga din pala iyon para 'di niya araw-araw nakikita iyong si Drake.

"Shirley..."

Nabigla siya nang muling lumitaw ang Tita MJ niya. Binitawan niya ang plato sa mesa na dadalhin na sana niya sa lababo para hugasan saka ito nilapitan, "Tita, bakit bumalik ka? May naiwanan ka ba?"

Umiling ito. Inangat nito sa kanyang harapan ang isang stem ng pulang-pulang rosas na ngayon lamang niya napansin na hawak nito. May ribbon pa iyon kung saan nakatali ang isang maliit na envelope.

"K-Kanino 'yan?" tanong niya rito.

"May pangalan...para sa'yo daw," nahihimigan niya na ang panunudyo sa tono ng tiyahin.

"A-Akin? 'Di ko alam 'yan!" Pero parang may nahuhulahan na siyang pinanggalingan ng rosas na iyon. She can't be right!

"O..." inabot sa kanya ng tiya niya ang rosas at nangiti. "Hindi mo sinasabi sa'kin na may manliligaw ka na, ha!"

"W-Wala ako'ng manliligaw Tita MJ!"

"O, e, kanino pala galing iyan kung ganoon? Bakit ibinibigay sa'yo?"

Napakamot siya ng ulo, "H-Hindi ko alam! Itatapon ko na nga."

"Shirley naman! Bakit 'di mo muna basahin ang nakasulat! Isa pa ay sayang. Ang ganda-gandang rosas niyan."

"Tsk..." ngunit naglakad siya patungo sa trash can at basta na lang hinagis doon ang bulaklak. "Pumunta ka na doon sa parlor Tita MJ."

Nailing na lamang ito at napabuga ng hangin bago walang salitang umalis doon. Ilang saglit siyang humugot ng malalim na hininga bago bumalik sa ginagawa niya kanina. Inipon niya ang platong pinagkainan nila at dinala sa lababo. Binuksan niya ang gripo at hinayaang umagos iyon.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon