Naunang umalis si Martha sa bahay kaysa sa kanya. Napatulala na lang siya sa kawalan. Tahimik niya na lamang na ipinapanalangin na sana nagawa niyang kumbinsihin ito. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba na araw-araw pagmasdan si Nathaniel habang nangungulila sa ina nito at wala siyang magagawa.
Ganito ba iyong naranasan mo noon, papa? Tuwing magtatanong ako kung nasaan si Mama, tuwing iiyak ako dahil sa pangungulila sa kanya, nahihirapan ka din bang tignan ako noon? Kasi alam mo'ng wala sa iyo ang sagot? Kasi ikaw din mismo ay nagtatanong?
Sa ganitong mga pagkakataon ay saka lamang siya nakakadama ng inggit sa mga taong may normal na pamilya. Bakit wala siya no'n? Bakit wala siyang nanay na nag-aalaga sa kanya? Na nagluluto ng pagkain niya? Na naghahanda ng mga gamit niya sa pagpasok sa school?
Bakit wala siyang tatay na nakakausap niya't nahihingan ng payo? Na nagta-trabaho para sa kanya? Na pumo-protekta sa kanya? Na nananakot sa mga manliligaw niya?
Napangisi siya ng malungkot sa huli.
It's so hard to be in a broken family. Hindi mo alam kung saan ka bibilang. Hindi mo alam kung sino ang dapat mong sandalan. Ang dami-daming tanong sa isip mo na wala namang kasagutan.
Alam niyang hindi din naman buo ang pamilya ni Nathaniel sa simula pa lang. Inabanduna din ito ng sariling ama. Ang kaibahan lang nila ay may tatay ito sa katauhan ng kanyang papa, na giliw na giliw dito, at nariyan pa si Martha.
Siya, noon, wala. She has her tito and tita but everything just felt different. Ni hindi nga niya matawag na papa ang tito Spencer niya at mama naman ang kanyang tita Mary Jane. It's just different.
Tumayo siya at ginagap ang kanyang sombrero. Sinuot niya iyon saka naglakad pabalik sa salon. Medyo mabigat pa ang kanyang mga mata pero nakita niya naman sa salamin na hindi na masyadong halata na umiyak siya.
Napahinto siya sa paglalakad nang makita ang kahuli-hulihang taong nais niyang makita ngayong araw. Awtomatikong lumukso ang kanyang puso. Gusto niyang pigilan ngunit hindi niya magawa. Sobrang bilis ng tibok no'n at nararamdaman niya ang kung ano'ng kumikiliti sa kanyang tiyan.
Shit. Bakit ngayon ka pa nagpakita?
"Hi...Shirley," ani Drake saka tipid na kumaway sa kanya.
Humugot siya ng malalim na hininga. Namamawis ang kanyang kamay sa matinding kaba, "N-Nandito k-ka?" Taena, Shirley. Umayos ka!
Mabilis na lumabas si Belle mula sa salon. Nang makita siya ay ngumiti ito, "Hi, Ate Shirley! Pinapunta ko si Kuya dito." Masaya nitong balita.
Gusto niyang mapa-facepalm dahil sa sinabi ni Belle. Sinabi na nga niyang bawal si Drake dito! Teka, akala ko ba hindi siya bawal dito? Punyemas, nababaliw na ako.
"B-Bakit? Uwi ka na?" tanong niya kay Belle. Hindi niya magawang tapunan man lang ng ngiti si Drake dahil pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya.
Tumango si Belle sa kanyang tanong. Lumunok siya upang alisin ang kung ano'ng bara sa kanyang lalamunan. Ayaw niyang makita si Drake dahil gustong-gusto niyang maka-move on sa nararamdaman para dito pero heto siya't dismayado dahil saglit lang ang pagkikita nila!
Pinilig niya ang ulo upang alisin ang iniisip. Mas marami siyang mabigat na problema, dapat hindi niya na pino-problema pa ito'ng kay Drake.
"Sige. Ingat kayo pauwi..." sabi niya na lang.
Naglakad siya upang tumuloy na sa loob ng salon. Mabagal at mabigat ang bawat hakbang niya. Ayaw niya naman kasing umalis doon. May gusto siyang sabihin kay Drake pero hindi niya alam kung ano!
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...