Gabi na nang maglakad sila pasakay ng jeep sa terminal. Ang tanging ilaw na lang ay ang ilaw ng mga gusali, lamp posts at mga punong napapalibutan ng mga Christmas lights na nagbubuga ng malamlam na kulay dilaw na liwanag. Ang saya maglakad-lakad.
Naputol lamang ang katahimikan nila ni Drake nang madighay siya. Ang dami kasi nilang kinain. Matapos nilang mag-lugaw ay nag-street food din sila. Hindi puwedeng hindi siya kakain ng paborito niyang kwek-kwek, isaw at betamax.
"Thank you, Lord," sabi niya sabay tingin sa langit.
Natawa si Drake sa tabi niya. Tinignan niya ito at nakitang sapo pa nito ang mukha habang tumatawa sa kanya. Siniko niya si Drake.
"Makatawa naman 'to, wagas. Pasalamat ka nga hindi ako umutot, e."
Pabiro nitong ginulo ang buhok niya. "Minsan hindi ko talaga alam kung ganyan ka ba talaga o nagpapa-cute ka lang."
Pinanlakihan siya ng mga mata sa sinabi nito. "Ang kapal mo! Kanino naman ako nagpapa-cute? Sa'yo?! Kapal mo talaga!" hinampas niya ang braso ni Drake para alisin iyon sa ulo niya. "At kailan pa naging cute ang pagdighay?"
"I find it cute, though," ngisi nito.
Pinakita niya ang kamao niya kay Drake, "Ito? Do you find this cute too?"
Natatawang umiling si Drake saka ibinaba ang kamay niya. Napaigtad siya sa gulat dahil doon. Mabilis niyang inilayo ang kamay kay Drake.
Humalukipkip na ito at bumaling sa harapan. Siya naman ay hinawakan ang strap ng bag habang tahimik silang naglalakad. May mga punong nababalot ng Christmas lights na naglalabas ng dilaw na liwanag kaya ang ganda ng tanawin sa paligid.
"Are we really friends now, Shirley?" basag ni Drake sa katahimikan.
Nilingon niya ito, "Bakit mo na naman biglang natanong?"
"Kasi..." panimula nito. Ilang sandali ay hindi pa iyon nasundan hanggang sa bumuntong-hininga si Drake. "Honestly, I'm afraid that one day you'll just start ignoring me again. I know I'm not as fun as your friends but...I'll try not to bore you."
"Ano?" hindi niya makapaniwalang tanong na natatawa pa.
Nagbuga ito'ng muli ng hangin. "Ang gusto ko lang talagang sabihin sa'yo na masaya ako'ng kasama at kausap ka. Gustong-gusto kitang kaibigan. Pakiramdam ko kasi kapag kasama kita...puwede ako'ng magkamali pero hindi mo ako huhusgahan. Alam mo 'yun?"
"Hindi..." sarkastiko niyang sabi pero naiintindihan niya. Minsan...ganoon din ang pakiramdam niya kapag kasama niya ito. "Ewan ko nga ba't bigla-bigla ka'ng sume-seryoso diyan. Hindi bagay sa mukha mo'ng pangit."
Drake laughed.
"Nagpapa-cute ka na naman."
Siniko niya ito sa tagiliran.
Pa-ikot-ikot siya sa kama habang inaalala ang mga nangyari kanina. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal ganito at hindi man lang magawang dalawin ng antok.
Nang magsawa siya ay bigla na lang siyang naupo sa kama. Nasa sahig na pala ang kanyang mga unan. Hindi na siya nag-abala pang pulutin ang mga iyon. Tumayo siya at naglakad patungo sa kanyang study table. Binuksan niya ang lamp. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang sketchpad at lapis at nagsimulang gumuhit.
What's bothering her? Her friendship with Drake. Yes. Now she already accepted the fact that they were friends. Totoo naman, e. Kahit na ayaw niyang aminin iyon sa kanyang sarili niya ay ganoon na talaga ang tingin niya kay Drake.
Pero hindi niya maiwasang mag-alala para sa sarili. Pakiramdam niya kasi ay para siyang dahan-dahang naglalakad patungo sa dulo ng bangin sa ginagawa niyang pakikipag-lapit dito. Anumang oras ay maaari siyang masaktan.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...