CHAPTER 12

1.1K 38 5
                                    

"I'm done! I quit! Sa'yo na 'tong Ipod ko. Kung gusto mo pati tito ko sa'yo na! Mapapanot na ako sa kanya Marj!" reklamo niya sa kaibigan kinabukasan.

Mabuti na lang at abala sina Gia at Bianca sa panonood ng DVD sa portable player na dala ni Bianca kaya malaya silang nakakapag-usap. Nandito silang magka-kaibigan sa covered court para sa recess. Mula doon ay kita niya si Drake na may kausap na sa tingin niya'y teammates nito.

"Si Shirley Faye Lacsamana? Sumuko?" umiling ito. "Hindi ako makapaniwala."

Hindi na siya naiinis sa pang-aasar nito. She experienced worse with Drake Lagdameo. Siguro ay wala nang pang-aasar pa ang makaka-pikon sa kanya.

"Bahala ka na. Ikaw kaya, subukan mo'ng ikaw naman ang mang-trip! Nakakainis!"

"Bakit ba? Wala pa'ng isang linggo?!" natatawang sabi ni Marj.

Tinitigan niya ang kaibigan ng masama. Mukhang kahit ano'ng paliwanag niya ay hindi nito maiintindihan. Nahagip ng mga mata niya ang bola na nilalaro ng mas batang miyembro ng basketball team sa baba at nagtungo doon.

"Pahiram," sabi niya sabay hablot ng bola dito. Hindi na niya hinintay pa kung pumayag ito o hindi.

Tinignan niya ang nakasunod na si Marj sa kanya. "Ipapakita ko sa'yo kung paanong may sa-Maligno ang Drake Lagdameo na 'yan."

Lumapit sila sa banda nila Drake ng buong ingat upang hindi sila makita. Nang makita niyang magsisimula nang maglakad ito at ang kausap. Pinagulong niya ang bolang hawak patungo dito upang matisod ito doon.

For a moment inakala niyang magtatagumpay, sa wakas, ang plano niya. Pero mula sa pakikipag-kuwentuhan ng hudyo ay nalingunan nito ang paparating na bola at huminto bago pa man nito iyon matapakan saka iyon dinampot.

Lumingon ito sa direksiyo niya at ngumiti. Parang sinasabing 'Got you'. Halos mag-usok ang dalawang ilong niya sa nangyari. Lalo pa noong mula sa puwesto nito ay hinagis nito patungo sa ring ang bola. At shoot iyon.

Naghiyawan ang lahat sa paligid na naka-kita sa ginawa nito. Halos nasa linya na kasi na naghahati ng court sa dalawa ito nakatayo nang i-shoot ang bola. Tumingin pa ito ng mayabang sa kanya bago ito nagpatuloy sa pag-alis kasama ng kausap.

"See, Marj!" inilahad niya ng kamay ang puwesto ni Drake kanina. Napatulala din ang kaibigan niya. "Malakas siya kay Lord! Kaya ayaw ko na talaga!" kinuha niya ang Ipod mula sa bulsa ng kanyang jogging pants at ibinigay iyon dito. "Iyo na 'yan!"

Bumunghalit si Marj ng tawa pagkatapos. Nakakatawa naman talaga iyong nangyari kanina. Hindi nga lang niya magawang matawa dahil sa likod ng pagka-inis niya ay hindi niya maiwasang mamangha. Damn, Drake and his basketball skills.

No wonder ito ang captain ball ng team. Walang kahirap-hirap nitong naipasok iyong bola kanina sa kabila ng layo nito mula doon.

"Sige na, sige na. You've proven your point," ibinalik ni Marj sa kanya ang Ipod niya. "Hindi ko na kukunin 'yan. Pero laughtrip pa din ang nangyari. Ikukuwento ko kanila Paul ito."

Tinanggap niya iyon at inirapan ito.

Nang mag-bell ay nagsipulasan silang muli. P.E. ang subject nila na susunod. Tuwing Biyernes lang iyon. Masaya siya kahit na Social Dance ang P.E. nila ngayon. At least, may break sila sa maghapon na quizzes sa mga subject nila. Quiz day kasi ang Friday.

Nag-aaral na siya ngayon. Kahit paano. Kapag talaga nilayo ka sa mga kaibigan mo na kasa-kasama mo sa kalokohan ay medyo titino ka talaga. Ayaw niya pero iyon ang nangyayari sa kanya. Hindi na siya nagca-cutting classes at hindi na nangongopya.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon