CHAPTER 4

1.1K 44 4
                                    


"Pasensiya na talaga Shirley. Wala talaga kaming maiaabot sa inyo ngayon. Pakisabi naman sa Papa mo," pakikiusap ni Aling Tessa sa kanya. Nangungupahan ito sa isa sa mga bahay nila.

Napakamot siya ng ulo. "Nako, papagalitan ako no'n. 'Tsaka dalawang buwan na kayong hindi nakakayad," aniya habang tinitignan ang notebook kung nasaan ang pangalan nito at ang balanse.

"Wala pa talaga kami. Nangutang kasi si Diego ng pera para makabili ng motorsiklo kaya halos doon na napupunta ang suweldo niya. Pasensiya na. Ikaw na bahala magpaliwanag sa papa mo ha? Sige," isinara na nito ang pintuan sa mukha niya.

Ngumiwi siya at tinitigan ng masungit ang nakasarang pinto. Ako? Ako na naman bahala? Palibhasa hindi naman ito ang nasisigawan at napapagalitan, e.

Hindi ito puwede.

Kinatok niya ng malakas at sunod-sunod ang pintuan. Isang iritableng Aling Tessa na ngayon ang nakatingin sa kanila. Wala na iyong tila maamong tupa kanina. Pwes, beastmode na din siya.

"Ano ba? Wala ngang pera!"

Pinameywangan niya ito, "Aba naman Aling Tessa! Ikaw pa ang galit sa akin ngayon? Dalawang buwan kayong hindi nagbayad! Ano'ng tingin niyo sa bahay namin? Ampunan? At wala nap ala kayong pera tapos may gana pa kayong bumili ng motorsiklo!" inilahad niya ang kamay rito. "Bayad na."

"Bastos kang—"

"Bayad na, tagal..." ipinadyak-padyak niya pa ang paa sa lupa para ipakitang naiinip na siya. "Alam mo Aling Tessa, masuwerte ka pa nga na ako ang naniningil sa inyo. Kung si Papa ang narito ay baka hinagis niya na ang mga gamit niyo sa labas! Baka nga isama pa kayo no'n na ihagis sa labas!"

"Ang kulit mo! Oo na! Oo na! Magbabayad na ako! Letseng buhay 'to."

Napangisi siya nang tumalikod ito ng padarag upang kumuha ng pera, "Magbabayad din pala, e. Pinagod niyo pa ako. Pahingi nga ng tubig."

"Tse!" sigaw nito sa kanya.

"K. Damot."

Mabigat ang mga paa nito nang lapitan siya nito. Matapang din ang tingin. Siya naman ay ngi-ngiti-ngiti lang na inilahad ang palad dito. Halos ihampas na nito sa kamay niya ang kabayaran.

"Hindi ka na talaga nagbago Aling Tessa. Simula bata pa lang ako ay ganito ka na! Butis naging takmau na ako."

"Ano namang takmau?"

"Mautak," aniya. "Sige na. Ciao!" tumalikod na siya bago pa siya nito bagsakan muli ng pinto sa mukha saka naglakad pauwi sa kanila.

Ito lang talaga ang nagpatagal sa kanyang lakad ngayon. Imbis na makikipag-laro pa siya ng volleyball doon sa plaza ay medyo ginabi na siya. Isang linggo na lang bago ang pasukan nila kaya dapat niyang sulitin ang masasayang mga araw niya.

"Mabuti naman at nasingil mo si Tessa."

Pinagmasdan niya ang ama habang binibilang ang perang iniabot niya dito.

"E, pinilit ko nga lang ho iyan, e."

"Sige na. Alis na," hinawi nito ang kamay na parang nagbubugaw lang ng langaw.

"Sige po," tumalikod na siya dito at nagtungo sa kuwarto niya. Maglalaro na lang siya ng Y8 sa computer niya dahil wala na ang mga kalaro niya ng volleyball sa plaza nang madaanan niya kanina.

Napasimangot siya nang makita si Nathaniel na naroon sa kama niya at binabasa iyong story book niya. Tumingin lang ito sa kanya sandali bago ibinalik ang mga mata sa babasahin.

"Oy, may kuwarto ka, a," aniya saka hinila ang swivel chair mula sa computer table niya at naupo doon pero dito nakabaling. "Hoy, pangit."

Nagtaas itong muli ng tingin sa kanya. "Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?"

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon