DRAKE
"Tapusin na natin ito, Drake. Pakiramdam ko ay iyon naman ang gusto mo'ng mangyari."
Pumikit siya ng mariin matapos basahin ang text na iyon ni Allie ng maka-ilang ulit. Matapos ng pagtataboy nito sa kanya kagabi nang panoorin niya ang pageant ni Shirley sa kabila ng pagtutol nito ay tila nagkaroon na siya ng hint na mangyayari ito. Ni minsan ay hindi kasi nagalit si Allie sa kanya ng ganoon.
Kahapon lang.
And now she texted this.
Hinilamos niya ang dalawang palad niya sa kanyang mukha. Hindi niya mapigilan ang hindi makaramdam ng guilt dahil dito sa nangyari. Kasalanan niya. Kasalanan niya ang lahat. Kasalanan niya kung bakit nasaktan at nagalit si Allie.
Not because he didn't follow her simple request yesterday...
Kasalanan niya ito dahil alam niyang may damdamin nang nabubuo sa kanya para kay Shirley...
Ngayon lamang ba nabuo? O pansamantalang nahimlay ngunit ngayon lamang nabuhay?
He could still recall how he would patiently wait for Shirley outside her classroom back when they were still in grade school. Iyon ay noong matapos siya nitong isalba kay Jonas. Simula noong araw na iyon ay namangha na siya dito at ni minsan ay hindi nito nilubayan ang kanyang isip.
She's pretty. Ngunit hindi tulad ng ibang magagandang babae diyan na alam na alam at sigurado sa mga itsura ng mga ito. Shirley's pretty but she acts like she don't know it. Malakas kung tumawa, hindi natatakot na i-contort ang mukha at hindi maarte kung kumilos at magsalita.
Napa-ngiti si Drake habang sinisilayan si Shirley na nakahiga sa bench sa may hallway nang mag-break time sila. Mukhang tulog na naman. Mahilig talaga ito'ng matulog sa mga lugar na hindi mo inaasahan.
Nakita niya ang isang paparating na teacher. Patakbo na siya upang gisingin si Shirley ngunit huli na dahil nakapameywang na ang teacher habang nakatunghay sa tulog na tulog pa rin na si Shirley.
"Shirley Lacsamana!"
Napalundag siya sa malakas na sigaw ng guro. Maging iyong ibang estudyante na abala sa pakikipag-kuwentuhan at pagkain ng kani-kaniyang recess ay napahinto at napalingon sa direksiyon ni Shirley at ng teacher.
Mabilis na napabangon si Shirley sa pagkakahiga nito. Dilat na dilat ang mga mata at magulo pa ang buhok. "San ang sunog?!"
Napangisi siya sa unang mga salitang lumabas sa bibig nito. Samantalang ang teacher na sumigaw ay mas lalo lang kumunot ang mukha sa hindi maipintang simangot. "Ilang beses na ba kitang pinagsabihang bawal ang matulog sa mga benches sa corridors!"
Nang ma-realize siguro ni Shirley na wala namang 'sunog' at ang guro lang ang nag-amok ay napakamot ito ng ulo. You're in huge trouble, Shirley!
"I want to talk to your father tomorrow! Hindi na puwedeng pabayaan ko na lang iyang pag-uugali mo!" patuloy na sermon ng guro.
"Yes, ma'am," ani Shirley sabay hikab sa harapan nito.
Shirley!
Galit na napabuga ng hangin ang teacher at napa-iling. Nang makita siguro nitong wala namang balak na makinig si Shirley sa kung ano pang sasabihin ay mabigat ang mga paa nitong humakbang palayo doon.
Napabuntong-hininga din siya. Shirley is a nightmare for every teacher. Magaspang ang pag-uugali at hindi marunong makinig. He should dislike her by now. Ayaw niya sa mga ganoong estudyante na nagbibigay lang ng sakit ng ulo sa mga guro. His mom's a teacher and he doesn't want her to have a hard time.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...