CHAPTER 43

970 41 13
                                    

"W-Wala..." sagot ni Belle sa kanyang tanong habang nag-iiwas ng tingin sa kanya.

Binalingan niya si Andre na tahimik na nagmamasid sa kanila mula sa likod ni Belle. Naka-kunot ang noo nito kay Belle at bahagyang naiiling. Hindi siya naniniwalang walang dahilan ang pagpunta nito dito.

"Bakit ka ba nandito, Ate Shirley?"

"I live there," turo niya sa tahanan ng kanyang tiyo at tiya.

Bumuntong-hininga si Belle at lalong napayuko.

"Andre...ano ba talaga ang nangyayari dito? Bakit ka kinakausap nito ni Belle?"

Tumingin si Belle kay Andre. Hindi niya na kailangan pang makita ang mukha nito para malamang pinakikiusapan nito si Andre na huwag magsalita.

"Niyayaya ako ni Belle na sumama sa kanya sa party," sagot nito.

Mas lalong napailing si Belle.

"Party? Ano'ng party?" tanong niya sa dalawa.

"Wala nga!" sigaw ni Belle sa kanya sabay akmang lalampas kung nasaan siya. Mukhang susundan nito ang babaeng tinawag na Pamela. Mabilis niyang hinigit ang braso nito upang pigilan.

"Belle, ano ba! Sinabing uuwi ka na!"

"Ayaw ko pang umuwi! Pabayaan mo nga ako!" nagpupumiglas ito sa kanyang kapit.

"Magpupunta ka sa party na iyon? Alam ba 'to ng mga magulang mo? Ni Drake?"

Ang reaksiyon na mismo mula kay Belle ang sumagot sa kanyang tanong. She didn't ask for permission. Tumakas lang ito.

"Ilang taon na ang Pamela na iyon? Bakit ka sasama sa kanya? She looks like a girl working in a pub!"

"Ate Shirley, ano ba! Let go of my arm!"

"No!" giit niya. "Sabihin mo muna sa'kin kung ano'ng nangyayari dito. Bakit ka sasama sa babaeng iyon at bakit ka pupunta sa kung anomang party na iyon!"

Nanlaban pa din si Belle ngunit nang siguro'y mapagtanto na wala naman ito'ng magagawa dahil mas malakas siya ay tumigil din. Yumuko ito ng bahagya. Mukha ito'ng galit at guilty.

"Magsalita ka na. Kung sasabihin mo sa'king maganda ang dahilan ng pagsama mo sa babaeng mukhang clown na iyon, na naniniwala ako'ng hindi, ako pa mismo ang maghahatid sa'yo pabalik doon," aniya sa mas mahinahong tono. She should keep in mind that this is Drake's beloved sister.

"Do I have any choice?" she said resigned.

"Siyempre, wala. Now, talk."

Nag-ikot ito ng mga mata sa kanya. "I thought you're cool! Para ka din palang si Kuya."

"Huwag mo nga ako'ng kinukumpara sa kuya mo'ng bipolar..." inis na sabi niya.

Naaalala niya pa kasi kung paano siya pakitunguhan no'n noong nakaraang linggo bago ito umalis patungong Batangas. Kung sabagay, may problema nga naman ito. Kaso hindi niya mapigilang lihim na magdamdam.

"May problema ba kayo ni Kuya? These past few days he looked like shit. 'Tsaka medyo masungit," pagsusumbong nito.

Tinitigan niya si Belle. "Bakit ako sinisisi mo? Si Allie ang girlfriend no'n hindi ako. Siya ang sisihin mo." Nag-ikot siya ng mga mata. Saka niya lang naalala ang tunay na problema dito. "Teka, iwinawala mo naman ako, e! Ano na? Magsasalita ka ba o magsusumbong ako sa mga magulang mo?"

"Oo na!" umirap ito. "I-I want to join Pamela's group! Sikat kasi sila sa school at maraming girls ang gustong mapasama sa grupo nila including me. Kaya lang...bago ka mapasali sa kanila kailangan mo'ng makapasa sa kanilang mga dare."

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon