CHAPTER 18

1K 34 13
                                    

DRAKE

A lot has changed since his first encounter with Shirley Faye Lacsamana.

Umuwi sila ng probinsiya ng kanyang pamilya. Sa school na nilipitan niya doon ay may mga estudyante pa ding katulad ni Jonas. Pero natuto na siyang lumaban hindi tulad noon. Not with his fist, though. Naniniwala pa din siya na hindi solusyon sa problema ang pakikipag-basag ulo. Ipinakita niya lang sa mga bullies doon na hindi na siya iyong tipo na maaaring kayan-kayanin.

Simula noon ay nagkaroon na siya ng mga kaibigan. Iyong mga taong alam niyang hindi lang siya nilalapitan para sa mga bagay na maaaring mapakinabangan ng mga ito sa kanya. He had real friends. Sa loob lamang ng isang taon ay ganoon na kalaki ang ipinagbago ng buhay niya.

Thanks to Shirley and her odd way of teaching him to be strong.

First year high school siya noong bumalik sila ng Maynila. Nagkaroon kasi ng oportunidad ang kanyang ina na maging propesor sa isang prestihiyosong unibersidad sa Maynila. Maging ang kanyang ama ay nagkaroon din ng project doon dahilan upang mapaluwas talaga silang muling buong pamilya.

Nalungkot siya noong una. Siyempre, nagkaroon na siya ng mga kaibigan sa probinsiya. Pero sa kabilang banda ay nae-excite siyang bumalik sa lugar na kinalakihan niya. Nae-excite siyang makita si Shirley Lacsamana.

In-enroll siya ng kanyang mga magulang sa St. Thomas High kung saan din mag-aaral ang pinsan niyang si Erika. Ang hindi niya alam, sa eskwelahan ding iyon mas lalong magbabago ang lahat para sa kanya.

He became really famous there especially among the girls.

Akalain niyo? Ang Fredrick Reuel Lagdameo na nerd, mahiyain at lampayatot noon ay magiging isa sa mga campus crushes ng St. Thomas?

It was when after he joined the varsity basketball team. Wala pa iyon sa plano at biglaan lang. Isinama lang siya ng kaibigan niyang si Mak doon dahil nahihiya daw ito'ng walang kakilala sa try-outs. Hindi niya pa iyon nasabi sa kanyang mga magulang. That time he's sure his mother won't like the idea. Ang nais nito ay sa isang academic club siya sumali.

But life is, indeed, full of surprises. Kahit siya ay hindi inaasahang mapapasok sa team. Naglalaro naman siya ng basketball noon sa probinsiya ngunit pangkatuwaan lang at hindi sa kompetisyon. He's not the best player during the try-outs too! Maraming mas malakas at mas magaling. But the coach decided to let him in dahil may potensiyal siyang nakita nito.

Na pinatunayan niya naman sa unang laro niya. Malaki ang puntos na naipasok niya sa team nila dahilan kung bakit nanalo sila no'n. Sa tingin niya ang naging performance niya no'ng araw na iyon ang dahilan ng biglaang pagdagsa kanyang mga 'admirers'.

"I like you."

Naghiyawan ang mga ka-teammate niya na nasa likod at nagmamasid sa kanya at sa babaeng nasa harapan niya ngayon at inaabutan siya ng paper bag na hindi niya alam kung ano ang laman.

Alam niyang bakas sa anyo niya ang gulat. Hindi man ito ang kuna-unahang pagkakataon na may babaeng nagpahayag ng interes sa kanya pero hindi pa rin talaga siya sanay sa atensiyong nakukuha.

"Kunin mo na 'yan Drake!" dinig niyang sigaw ni Mak sa likod.

"Oo nga!" pagsang-ayon ng iba'ng ka-team mate niya sa sinabi nito.

Napa-iling siya sabay kuha sa paper bag na inaabot no'ng babae sa kanya.

"T-Thanks..." iniangat niya ang paper bag.

Nagtaas na ng tingin ang babae sa kanya. Mapula ang mga pisngi nito at may magandang ngiti sa mga labi. She's beautiful, alright. But, really, wala pa isip niya ang mga ganitong bagay.

Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon