The following days have been the most difficult days of her life. That's saying something knowing how f'cked up her life is. Wala siyang ginawa kung hindi mag-aral at mag-aral. Si Benj kasi ang bantay niya. Paulit-ulit ito sa pagpapa-alala sa kanya kung bakit at para saan niya ito ginagawa.
"If you fail to do this, Shirley, you're just going to give Mikaylla and everyone else more reason to mock you," mariin nitong sabi.
Palihim siyang iirap at itatakip ang libro sa kanyang mukha para makapag-make face kay Benj nang hindi nito nakikita. She still doesn't trust the guy. Paano niya magagawang pagkatiwalaan ito gayong alam niya na may lihim ito'ng gusto kay Allie? Sa espesyal na babae pa talaga ng kaibigan nito.
And she knows how love can turn a person into a monster. Especially love that is unrequited. Lalo na kapag ikaw iyong tipo ng tao na hindi kayang magparaya. Hindi marunong magpaubaya.
Nagsimula na ang reporting nang sumunod na linggo. In-obserbahan niya kung paano si Miss Nolasco kapag may nagre-report sa harapan gaya ng sinabi ni Benj sa kanila ni Johanna. Tinitignan niya din kung paano ang ginagawang pagre-report ng mga kaklase nila.
Back in Section F, they do not have reporting like these. Ano pa nga ba'ng aasahan sa kanila? Iyong teacher nga na nagtuturo ay hindi nila pinakikinggan, iyong sila-sila pa kaya ang magpe-present ng lesson sa harapan?
Napa-ngisi siya ng palihim habang iniisip ang mga kaklase niya sa former section niya. They're nothing compared to this section but they're more fun to be with. Hindi sila komplikado at masyadong seryoso sa buhay. Hindi istrikto sa rules. Namumuhay sila sa kasalukuyan kaysa ito'ng mga bagong kaklase niya na ang isip ay nasa hinaharap na kaagad.
Nagbato ng mga tanong si Miss Nolasco sa mga nag-present sa harapan tulad ng sinabi ni Benj. Lahat ay kinakailangang sumagot. Napagtagumpayan naman iyon ng lahat ng miyembro ng naunang grupo na nag-present.
"Very good, students! See, class? I know you can do more than to sit in my class and to just listen as I tackle our lesson. I want to see more presentations like these, okay? So, be prepared and do your best."
Pumalakpak silang lahat pagkatapos.
After class ay nagpunta na naman sila ng library. She just can't wait until this is all over! Pakiramdam niya ay magkaka-cancer na siya dahil panay libro ang nakapalibot sa kanya.
Mikaylla's still skeptical about Benj's decision to make her one of the presenters. Pero isang araw ay huminto na lang ito sa pagpaparinig. Napagod na yata ang bunganga nitong putak ng putak sa araw araw na magkakaroon sila ng group meeting.
"Just pray that this will work, Benj," irap nito kay Benj.
"Natapos mo na ba ang visuals natin?" tanong niya rito.
Inismiran siya ng bruha, "Hindi pa. Matatapos namin iyon. Kaya kong gawin iyon."
"'Di tapusin mo na. Ang hirap sa'yo ang dami mo'ng kuda hindi mo pa naman pala natatapos iyong task na naka-assign sa'yo. Simple na nga lang 'yang gagawin mo," aniya rito.
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Sinalubong niya ang tingin nito. Hinahamon niya ito'ng magsalita ngayon at kalabanin siya. Pero sa huli ay nagtiim-bagang lang ito at nag-iwas ng tingin.
"Joaquin's right about you, Shirley. Sinusubukan mo'ng pagtakpan ang mga kahinaan mo niyang pagiging taklesa mo at paninindak mo ng mga tao. Kaya nga ayaw ko nang pumatol. Sabi nga nila, you cannot win an argument with an idiot."
"Why am I not surprised to know that you and Joaquin are friends?" pa-inosente niyang tanong bago kinuha ang libro na kailangan niya pa'ng basahin sa mesa. Umalis na siya doon nang hindi sinasabi kanila Benj kung saan siya papunta.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...