Natapos ang laban at nanalo ang grupo nina Drake. Which is kind of expected actually. Tatlong miyembro ng basketball team ng St. Thomas laban kanila Paul na pampalipas oras ang paglalaro? For sure, Drake, Mak and Red will definitely win.
Pero hindi naman mukhang badtrip si Paul dahil sa nangyari. They laughed and bumped their fists after the game. Mukha namang maayos ang mga ito. Ngunit hindi maipagkakaila ang lamig ng pakikitungo nina Drake at Sebastian sa isa't-isa. Para bang may animosity na nabuo at hindi niya alam kung bakit.
"Paano kung kausapin niya ako Marj? Maling ideya yata talaga na sumama pa ako sa inyo! Maybe I should go now while they're busy changing their clothes!" natu-torete niyang sabi sa kaibigan.
"Kalma nga! Basta huwag ka na lang lumayo sa'kin. Pretend like you're busy talking to me."
Nanatili sila sa tabi ng kotse ni Paul hanggang sa lumabas na ang mga ito. Nakapag-shower na at iba na ang mga suot na damit. Drake's wearing a Lakers shirt now, with Kobe's jersey number and surname at the back, and black short pants. Si Sebastian ay naka-all black pa din.
Galing sa pakikipag-tawanan kay Paul ay napalingong muli si Drake sa kanya. Hindi makalma ang nagwawalang puso niya sa kakaibang kaba. His dark and deep set eyes were just so intense and his curvy lips reminded her of the kissed they shared.
Matagal na ngunit parang nararamdaman niya pa rin sa mga labi niya.
"Susunod na lang kami sa inyo Paul!" sigaw ni Red saka nagtungo sa isa pang itim na kotse.
"Sige ha! Punta kayo! Madaming alak doon!" natatawang sabi ni Paul sa mga ito.
Pinapasok na sila ni Paul sa kotse. Bago tuluyang makapasok doon ay naaninag niya pa ang paghagis ng susi ni Mak kay Drake na agad naman nitong nasalo.
"Ikaw na mag-drive, pare. Sakit pa ng paa ko," anito. Na-injure kasi ito kanina habang naglalaro.
"Bakit hindi ako ang pag-drive-in mo?" naiinis na sabi ni Red.
"Hiniram ko lang kay papa 'yang kotse. Baka kapag ikaw ang mag-drive ay maibangga mo pa sa pader!"
Sinara niya na ang pintuan at nanatili sa kanyang puwesto ng tahimik. Nasa front seat si Marj at katabi ni Paul na siyang magma-maneho. Samantalang siya ay nasa likuran ng mga ito kasama si Sebastian at isa pang babae na sa tingin niya'y kaibigan ni Paul o ni Marco. May kasama ding mga babae iyon si Marco na nasa sariling kotse naman nito nakasakay.
"I should've brought my motorcycle," bulalas ni Sebastian sa kanyang tabi. Hindi niya pinansin.
"Oo nga! 'Di sana angkas mo na ako," humalinghing pa ang babae pagkasabi no'n.
"Wait. Who are you again and why are you talking to me?" seryosong tanong ni Sebastian dito.
Pinigil niya ang tawa pero bigo sina Marj at Paul na gawin iyon. Ang lakas ng tawa ng dalawa. Pasimple siyang lumingon sa kanyang tabi at kitang-kita niya ang pulang-pula at iritadong mukha ng babaeng kausap ni Sebastian.
"Don't mind that f'cker Val. Ganyan talaga iyang si Sebastian," ani Paul habang mina-maniobra ang sasakyan.
Yeah. Retarded ang isang iyan.
Mabilis silang nakarating kanila Paul. Ilang minuto lamang ang pagitan ng pagdating nila at nila Drake. Huling dumating si Marco dala ang iba pang babae na nakita nila kanina ni Marj sa indoor covered court.
Nasa may garden naka-set up ang mga pagkain at inumin. Too bad at maraming wala sa barkada nila. Nakakapanibago na sila Drake ang kasama nila dito. Hindi niya tuloy alam kung paano kikilos at magsa-salita.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...