Hindi rin gustong um-attend nina Paul sa Christmas Party ng klase ng mga ito kaya ang nangyari ay nagkaroon na lamang ng sariling party sa bahay ni Paul. It's a pool party, nasa pool side sila. Halos papadilim na nang magsimula ang kasiyahan kaya naman kitang-kita ang pagkislap ng swimming pool at laser lights na sadyang s-in-et up.
"Mas cool pang mag-party dito!" natatawang sigaw ni Marco na may ka-akbay nang dalawang babae sa outdoor sofa ng bahay nina Paul.
She doesn't know them. Maybe some of their friends from another school? Nagkalat ang mga iyon dito. Iilang pamilyar na mukha lamang sa St. Thomas ang kanyang nakikita.
"Shirley! Tara! Langoy tayo!" sigaw ni Gia mula sa pool, sa tabi nito ay si Julio na boyfriend nito.
Even Bianca has a partner. Lalong-lalo na si Marj at si Paul na halos hindi mapaghiwalay habang naka-upo sa gilid ng pool at nakasawsaw ang mga binti sa tubig.
May ibinubulong si Paul sa kanyang kaibigan, Marj smirked before kissing him on the cheek. Kita niya kung paanong dismayadong nilingon ng mga babaeng naka-two piece na nakababad sa pool ang dalawa.
Paul is a ladies' man. Or so she thought? Siguro ay marami lang ito'ng kakilalang magagandang babae dahil sa estado ng pamumuhay at, siyempre, sa itsura. Maybe he really loves her friend so much.
"'Di na...nilalamig ako," naiiling niyang sabi. Totoo naman iyon. Malamig ang ihip ng hangin dahil Disyemre.
Hindi nga niya alam kung paano nakakayanan ng mga naroon ang lamig. Siguro ay dahil kasabay ng pagtatampisaw sa tubig ay ang pagsimsim ng mga ito ng alak kaya kahit paano ay may source ng init.
Nilubayan din siya ng mga ito at nagkasiyahan na muli doon sa pool.
She looked at her phone resting beside her on the sun lounger. Katatapos lamang nilang mag-usap ni Drake kanina. Nanalo ito ang team nito sa quiz bee. She can't help but be proud of him. Magaling talaga ito. Kaya nga nagsusumikap na siya sa kanyang pag-aaral at nagre-review na upang hindi naman mahuli kay Drake.
Ngayon ay may dinner ang mga ito upang i-celebrate ang pagkapanalo. Gusto pa nga nitong humabol dito ngunit pinagsabihan niyang dumalo na lamang doon dahil 'di naman maganda na wala ang team captain ng Math Club sa mismong celebration ng team.
"Hi."
Nag-angat siya ng tingin sa bumating iyon. Nakita niya ang isang 'di kilalang lalaki ngunit pamilyar ito sa kanya. He's Paul's friend from another school. Isang beses pa lamang niya ito'ng nakikita at ngayon iyong pangalawa.
Tumango siya nang hindi ngumingiti. Kinuha niya ang mango shake niya saka sumimsim doon.
"Shirley, right?" naupo ito sa katapat niyang lounger. "I'm Travis. I believe you know me, friend ako ni Paul."
Sumabog ang ibang ingay ng musika sa speakers. Naiirita siya sa lakas no'n at sa lalaking ito na nakikipag-usap sa kanya. Isn't it obvious? She doesn't want to talk to him.
"Ah, yeah," she said sounding bored.
"Alam mo noong unang beses pa lang kitang nakita hindi na kita makalimutan. I asked Paul for your phone number but he didn't give it to me. Sa'yo ko daw itanong. Pero hindi ka na bumalik ulit sa Gamezone kaya pwede bang ngayon ko na lang hingin?" he smiled.
Kumunot ang kanyang noo. Ang presko ha!
"I really want to be your friend," dugtong pa nito.
"Whoa!" may mga naghiyawan sa likuran nito. Napalingon siya doon. A group of guys and two girls were looking at their direction. They were murmuring and smiling. Pakiramdam niya ay pinagkakatuwaan siya ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...