"There's no person who is strong enough to be on his or her own. Kailangan niya ng ibang tao na makakasama."
Inikutan niya ng mga mata si Drake. Kanina pa ito nakikipag-debate sa kanya mula nang makababa sila ng jeep at ngayong nilalakad na nila ang mall para makatawid sa kabila kung saan ang lugawan ni Aling Nita.
"That's not true for everyone, Drake! Ganito pananaw ko, e, pake mo ba?" nakaka-highblood ito ha!
"But what if you fall in love someday?" mabilis ang lakad nito habang naka-agapay sa kanya. Sinimangutan niya ito. Ano ba'ng problema nito ni Drake?
"'Di ma-in love."
He sighed in exasperation. "Alam mo, ang gulo mo. Sabi mo noon alam mo'ng darating iyon sa'yo, na wala kang magagawa para pigilan iyon. Tapos ngayon kung makapagsalita ka parang ayaw mo naman. Ano ba talaga?"
Kung sa'yo lang din, huwag na. Magugulo lang ang buhay nating pareho. Kung ikaw lang din ang mamahalin ko, I'd rather be alone in this life.
Isa pa, hindi ba sabi niya gusto niya iyong taong sa kanya lang at sa kanya mananatili? Kung iyon ang gusto niyang mangyari at kung ayaw niyang mabaliw, hindi si Drake ang dapat niyang mahalin.
"Bakit 'di kaya iyong tumataas na populasyon sa bansa, iyong hindi bumababang presyo ng gasolina at mga bilihin at ang dumadaming bilang ng mga kababayan nating naghihirap at hindi makakain ng tatlong beses isang araw ang problemahin mo imbis na iyong love life ko? Bad trip ka, e."
Natahimik na din si Drake sa kanyang tabi. Masungit pa din ang anyo nito. Tila hindi matanggap na hindi man lang niya ipinaliwanag ng maayos ang side niya. Ang laki talaga ng problema. Maloloka yata siya dito kay Drake.
"So, hindi kayo ni Sebastian?" tanong nito mayamaya.
Muntikan na siyang matawa! Ngayon masisisi niyo ba siya kung magustuhan niya si Drake? With him, life is never boring. Kung siya lang talaga si Allie ay hindi niya na pakakawalan pa ito.
"Hindi nga, Lagdameo. Huwag kang mag-alala, kapag naging kami no'n, ikaw unang babalitaan ko," biro niya.
"You told me you don't want to have a boyfriend!" inis na baling nito sa kanya.
Natawa na siya ng tuluyan. Ang sarap talaga nitong loko-lokohin! "May regla ka ba, Drake? Bakit kapag inaasar kita dati hindi ka naman napipikon?"
Humalukipkip ito at pinamulahan ng matindi ang pisngi. Lumabas na sila sa glass door ng mall at mula doon ay kita niya na ang lugawan ni Aling Nita sa kabilang bahagi ng kalsada.
Nakahinto pa sila ni Drake sa gilid para palipasin ang mga sasakyang mabilis na umaandar. Nilingon niya ito at nakitang kunot pa din ang noo. Hinawakan niya ang hinliliit ng kanang kamay nito para paharapin sa kanya.
He looked at her.
"Galit ka pa rin? Ano ba kasing kinaki-inis mo?" tanong niya.
Humugot ito ng malalim na hininga saka ni-relax ang sarili. Hindi na naka-kunot ang noo nito. "Hindi ako galit."
Gusto niya sanang salungatin iyon kaso baka rumatsada na naman ito at magalit na talaga. Wala pa naman siyang pamasahe pauwi kung sakali.
Hinawakan muli ni Drake ang kanyang buong kamay. Nawala ang ngiti sa kanyang mukha nang mapalitan ang panatag na tibok ng dibdib ng kakaibang kaba. Nag-iwas ng tingin si Drake sa kanya pero hindi binibitawan ang kanyang kamay.
She looked at their hands. Saktong-sakto ang kanyang kamay sa mainit na palad ni Drake. Parang nais niyang matunaw. She missed him and now he's holding her hand as if he'd been doing this for a long time.
BINABASA MO ANG
Pakisabi Na Lang (A JaiLene Fanfiction)
FanfictionSa kabila ng pang-MMK na istorya ng kanyang buhay ay nanatiling kalog at maloko si Shirley. Ba't ba niya kailangang indain ang mga problema? Malulungkot lang siya. At wala na din namang magbabago kung iiyakan niya pa ang mga bagay na hindi niya na m...